Facebook

Baog ang batas

WALANG silbi ang mga batas ng bansa laban sa ilegal na droga sa gobyerno ni Rodrigo Duterte. Ito ang unang dahilan kung bakit nagsumite noong 2017 ng sakdal na crimes against humanity sina Sonny Trillanes at Gary Alejano ng Samahang Magdalo sa International Criminal Court (ICC). Baog ang mga batas – hindi magamit, hindi pinapansin, at halos walang bisa pagdating sa pagsugpo ng suliranin sa ilegal na droga.

Isa lang ang solusyon ni Duterte sa isyu – patayin ng walang awa ang lahat ng pinaghihinalaang sangkot sa droga. Pusher, adik, at kahit sino pa. Nawalan ng ngipin ang batas kontra ilegal na droga. Tanging ang salita at ilegal na utos ni Duterte ang batas at sinusunod nga kanyang mamamatay tao kahit sa PNP.

Walang magawa ang sambayanan sa isyu ng extrajudicial killings (EJKs). Noong isinumite ni Trillanes at Alejano ang sakdal sa ICC noong dakong Abril, 2017, nasa tuktok ng kapangyarihan si Duterte. Walang makapigil sa kanyang mga maitim na utos. Inutil ang mga hukuman. Kahit ang mga pulis ay sangkot sa walang habas na pamamaslang.

Naisip ni Trillanes at Alejano na dalhin ang usapin sa ICC dahil ito ang paraan upang matigil ang mga patayan. Hindi susulong ang lipunan kapag patayan lang ang nangyayari. Kahit hindi sila tinulungan ng kapwa mambabatas na kabilang sa loob at labas ng oposisyon, sumulong ang sakdal at naging defensive sina Duterte. Natalian sa kamay sina Duterte at nabawasan ang mga EJKs kahit paano bagaman nagpatuloy.

Maalaala na pinagtawanan at kinutya sina Trillanes at Alejano sa kanilang sakdal ng kapwa mambabatas. Walang mangyayari sa sakdal at mauuwi lang iyan sa basurahan, ani Ping Lacson. Suntok iyan sa buwan, sabi ni J.V. Ejercito ang anak ni Erap Estrada na inaresto at ikinulong dahil sa salang pandarambong sa kaban ng bayan. Nilunok ng mga kritiko ang kanilang sinabi dahil sumulong ang sakdal.

Nasa Pre-Trial Chamber ang sakdal at ito ang magpapasya kung itutuloy ang imbestigasyon. Batay sa ulat, mukhang pabor ang ICC sa imbestigasyon dahil ikinatwiran ang paghingi ng mga pamilya ng paliwanag sa pagkamatay ng kaanak. Nais ng mga pamilya na linisin ang kanilang pangalan, anila. Maaaring bumaba ang desisyon ngayong buwan o sa susunod.

Wala sa katwiran si Harry Roque ng kanyang ipagmagaling na hindi susulong ang pormal na imbestigasyon ng ICC sa kaso laban kay Duterte at mga kasapakat. May mga remedyong legal ang gobyerno at ginamit ito, aniya, Kaya hindi totoo ang alegasyon sa sakdal ni Trillanes at Alejano na baging balewala ang sistemang legal at tanging patayan ang ginamit..

Sa ilalim ng Rome Statute, ang tratado na bumubuo sa ICC, sumulong ang mga asunto laban sa mga lider ng isang bansa kung bumagsak na ang sistema ng batas kontra kriminal at walang magawa upang ihabla ang mga taong nasa likod na mga patayan sa bansang iyon. Hindi makikialam ang ICC kung gumagana ang mga batas kontra droga.

Pinanindigan nina Trillanes at Alejano sa kanilang sakdal na hindi na gumagana ang mga batas kontra droga at sistemang legal sa bansa. Basta pinapatay ang pinaghihinalaan. Ito ang shortcut na paraan ni Duterte at hindi niya ito ipinagkakaila sa madla. Walang magawa ang mga pamilya kundi lumuha at tanggapin ang pagkamatay ng kanilang kaanak.

Pinaniwalaan ng ICC ang kanilang alegasyon. Isa ito sa mga batayan kung bakit inirekomenda ni Fatou Bensouda, dating hepe ng Office of the Prosecutor ng ICC, ang masusing pormal na pagsisiyasat kay Duterte at mga kasama. Ayon sa Final Report ni Fatou Bensouda, umabot sa pagitan ng 16,000 hanggang 30,000 ang napatay sa mga EJKs.

Iisa ang dahilan ng mga pulis sa mga patayan: “Nanlaban” umano ang mga napatay. Inirekomenda ni Bensouda ang pormal na pagsisiyasat kay Duterte at mga kapasapakat na kinabibilangan ni Jose Calida, Richard Gordon, Alan Peter Cayetano, Vitaliano Aguirre, Bato dela Rosa, at iba pa.

Sa kanyang ulat noong Hunyo bago siya nagretiro, sinabi ni Bensouda na Bensouda na imposible na palagi na lang lumalaban ang mga biktika samantalang wala naipakita na mga katibayan ng anumang panlalaban, aniya. Nanlaban kahit nakaposas, aniya.

Sa pag-uumpisa ng pormal na imbestigasyon, inaasahan na pagtutuunan ng pandaigdigang atensyon ang pagsisiyasat dahil may reputasyon si Duterte sa kanyang pagiging mamamatay-tao. Maaaring lumabas ang order ng hukuman na dakpin si Duterte at mga kasama at ikulong sa piitan ng ICC sa The Hague, Netherlands. Maraming pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Abangan at matyagan mabuti ang proseso ng ICC.

Hindi basta mahawakan ni Duterte ang ICC. Kay a maigi na pagtuunan natin ng pansin. Maraming pulitiko ang sasawsaw sa isyu, ngunit maigi na maintindihan natin na si Trillanes at Alejano ang nag-umpisa ng sakdal. Hindi ang mga pulitiko kahit kasama sila oposisyon. Kahit si Leni Robredo ay hindi sumuporta sa sakdal.

***

KORAPSYON ang pinakamalaking isyu nga maaaring gamitin ng mga pulitiko sa kanilang mga kalaban. Pinakamadaling maunawaan ito ng mga botante. Kaya huwag magtaka kung ang bawat kandidato ay nagsasalita kontra korapsyon. Lahat ay instant expert sa korapsyon.

Kaya tuwing halalan, maraming sinasabi ang mga pulitiko pagdating sa usapin ng korapsyon. Ngunit walang nangyayari at patukoy itong umiinog. Laganap ang korapsyon k sa China na tanging ang Chinese Communist Party ang namumuno.

***

HUWAG magtaka kung ano anong kabaliwan ang pinagsasabi ni Duterte sa madla. Maaaring ipasok ang plea of insanity sa kanyang paliwanag sa ICC. Sabi ng mga manananggol, walang nakukulong dahil sa utang – at kabaliwan.

***

QUOTE UNQUOTE: “Secretary Roque, you act like a troll… You should be man enough to admit that when a P625,000 firm is awarded supply contracts of over P6.7 billion in two months, there’s a whiff of corruption.” – Franklin Drilon, mambabatas

“Greg Honasan was reported to have apologized to the Romualdezes for the 1986 EDSA Revolution that toppled the Marcos dictatorship. No problem with that. He could do what he wanted in life. This is a free country. But let’s straighten the facts. Greg Honasan’s purported coup d’etat was discovered by Marcos and his henchmen led by Gen. Fabian Ver. They were nowhere to go but to stage a holdout at the MND, now the DND, building inside Camp Aguinaldo. The Filipino people came and protected them from any attack by the Marcos military. Now, let us put it this way. Greg Honasan was not in any position to apologize. The 1986 EDSA People Power Revolution wasn’t Greg’s revolt but the people’s that turned into a revolution. He was never in any position to do the public apology to the Romualdezes. Forget it.” – PL, netizen

The post Baog ang batas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Baog ang batas Baog ang batas Reviewed by misfitgympal on Setyembre 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.