Facebook

Malapitan ratsada na!

LANDSLIDE ang panalo ni Congressman Dale “Along” Malapitan sa pagka-alkalde ng Caloocan City kung ang halalan sa May 2022 ay gaganapin na ngayon, ayon sa survey firm na RP – Mission Development Foundation Inc.

Si Cong. Along, kinatawan ng unang distrito ng lungsod ay nakakuha ng 67 porsiyento voters preference samantalang si 2nd district Representative Edgar ‘Egay’ Erice ay nakapagtala ng 30 porsiyento.

Ang survey na isinagawa noong Agosto 1–10, 2021 ay ang National Capital Region (NCR) Mayors’ Performance Survey 2022 Elections: Voters Preference for Metro Manila Mayors.

Sa naturang survey, ang mga re-electionist mayor ay nakapagtala ng mataas na porsiyentong “vote preference” laban sa mga magiging katunggaling kandidato sa darating na election, ayon pa sa RP-MDF Inc.

Ang Caloocan ay isa sa iilang siyudad sa Metro Manila na ang mayor ay hindi na marere-elect dahil naka-tatlong termino na kaya magiging exciting ang darating na halalan dito dahil bago ang mga tatakbo sa pagka-alkalde.

Exciting ang May 2022 election sa Caloocan dahil kung pag-uusapan ang pulitika sa lungsod na ito, para kang nanonood ng pelikula kung ang pagbabatayan ay ang political history ng lungsod.

Simulan natin kay Mayor Boy Asistio na naging alkalde ng maraming taon na sinundan ni actor-turned politician Reynaldo ‘Rey’ Malonzo, sumunod si Recom Echiverri at ngayo’y si Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan.

Nang matalo si Asistio, sinubukan ng pamilyang ito na bumalik sa posisyon subali’t ‘di sila nanaig. Ganon din ang ginawa nina Malonzo at Echieveri na pinatakbo ang family member sa pagka-mayor, pero ‘di rin nagtagumpay.

Sa kasaysayan ng pulitika sa Caloocan, walang asawa o anak o family member ang pumalit sa umalis na three termer mayor kaya yan ngayon ang pagtataya na mabilis na kumakalat sa kasulok-sulokan ng lungsod.

Pero teka, mukhang ang kasaysayan ng pulitika sa Caloocan ay babasagin ng mag-amang Oca at Along Malapitan .Balikan natin ang nakaraan.

Naging mayor ng maraming taon si Asistio, ano ang nangyaring maganda sa Caloocan, ganon din noong mayor si Malonzo at Echieverri. Wala silang maipagmalaking achievement na tatanawin ng mga taga-Caloocan.

Si Oca Malapitan, sa unang taon sa city hall, ang dugyot na monumento area na tambayan ng mga iligalista at mga halang ang kaluluwa, ngayo’y napapa-wow ang dumaraang motorista dahil malinis at maayos na.

Noon ang city hall ay halos bumagsak na sa kalumaan, ngayon ay eight storey na modernong Caloocan city hall na, idagdag mo pa ang ipinatayong Caloocan Coliseum, bagong ospital at school building.

Sino ang ‘di matutuwang magulang sa dalawang bagong Caloocan City Universities sa South at North Caloocan na madadagdagan pa ng isa pang CCU branch na kasalukuyang itinatayo ngayon sa Bukid area.

Napakasuwerte rin ang mga magulang sa Caloocan City dahil ang kanilang nag-aaral na mga anak sa CCUs, bukod sa libre na ang tuition, ang mga estudyante ay may monthly allowance pa mula sa mag-amang Malapitan.

Sa dami ng nagawa ni Mayor Oca, malinaw na siya’y gumawa na ng kasaysayan na ‘di malilimutan at tiyak na mananatiling nakaukit sa puso ng mga taga-Caloocan City habang buhay at hangang sa kabilang buhay.

Kumpara sa mga nakaraang mayor ng lungsod, ibang iba si Mayor Malapitan dahil sa napakarami niyang nagawa sa kanyang tatlong termino kaya ‘di maitatwang magaling at higit sa lahat totoo siyang lingkod bayan.

Dahil sa maayos niyang pamamahala, si Mayor Oca ay ‘unchallenged’ sa kanyang ika-tatlo at huling termino- isang karanasan na nababagay at ipinagkakaloob sa kung tawagi’y certified public servant.

Kung paano magtrabaho si Mayor Oca ay ganyan din si Cong Along na tiyak ang panalo at malayo pa ang mararating tulad ng kanyang amang si Mayor Oca.

Dahil tulad ng tatay niya na tutok sa trabaho, walang nasasayang na oras sa pagganap niya sa sinumpaang trabaho kaya naman positibo ang tingin at pananaw sa kanya ng kanyang mga constituents sa unang distrito.

Pinagkakatiwalaan siya ng mga taga- siyudad ng Caloocan, patunay ay ang mataas na grado niya sa mga survey, may kinalaman man ito sa kanyang trabaho o kaya ay survey sa pre-election voters preference.

Sa election day, maisusulat ang bagong kasaysayan ng pulitika sa Caloocan dahil ang nakagawiang kasabihan na “walang nagmamanang anak o miyembro ng pamilya sa mayor position” ay babasagin ni Oca at Along.

Bakit? Di tulad ng mga nagdaang alkalde ng Caloocan, sina Oca at Along ay mga “performers” na ang ‘di matatawarang achievements bilang mga tunay na public servants ay nagdulot ng higanteng impact sa taumbayan.

Kaya sa May 2022, pagdating sa mga voting precincts, magpa-flashback sa isipan ng mga botanteng taga Caloocan ang mga accomplishment at mabuting nagawa ng magiting na father & son public servants.

Hindi naman sa minamaliit ang mga makakatunggali ni Cong Along sa pagka-mayor pero siguradong susuklian ng mga taga-Caloocan ang magaling na pamamahala nina Mayor Oca at Cong Along Malapitan.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.

The post Malapitan ratsada na! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Malapitan ratsada na! Malapitan ratsada na! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.