Facebook

Nagparehistro sa mass vax ng Maynila, 2.1M na

TULAD rin ng dami ng bilang ng mga bakuna na naiturok na sa kabisera ng bansa, ang bilang ng mga nagparehistro sa mass vaccination sa Maynila ay pumalo na sa mahigit 2.1 milyon hanggang Sept. 2, 2021.

Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno, na nagsabi na silang dalawa ni Vice Mayor Honey Lacuna ay patuloy na humihikayat sa mga hindi pa nakarehistro na magparehistro na sa https://ift.tt/3cQKROp at sinabing hindi na mahalaga kung kayo ay hindi taga-Maynila dahil matagal ng binuksan ang vaccination program ng pamahalaang lungsod para sa lahat.

Ang online pre-registration system ay inilunsad ni Moreno noong bisperas ng Bagong Taon bilang regalo sa mga taga-Maynila . Hanggang Sept. 2, ang kabuuang bilang ng mga pre-registered na indibidwal ay pumalo na sa 2,184,863. Ang bilang naman ng bakuna na naiturok na sa nasabi ring petsa ay 2,029,953 habang ang mga fully vaccinated ay umabot na sa 799,091.

Sa tantya ni Moreno, nasa 100,000 na mga nabakunahan sa ilalim ng mass vaccination program na pinamamahalaan nina Vice Mayor Honey Lacuna at Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan at ng kanyang assistant chief na si Dr. Ed Santos ay pawang mga hindi taga-Maynila.

Sinabi pa ng alkalde na sinusunod nila ang policy of ‘inclusivity’ sa Maynila.

“As I have stated then and now, the pandemic is a universal problem which should be approached inclusively,” sabay diin na walang kinikilalang boudaries ang COVID-19.

Ayon kay Moreno ang Maynila ay mayroong daytime population na tatlong milyon, ang mga naglalabas-pasok sa lungsod para magtrabaho ay kailangan ding protekayunan sa pamamagitan ng bakuna.

“It’s either we infect them or they infect us, so might as well vaccinate them too. This way, they are protected from getting the virus when they go to Manila in the same way that Manilans they interact with are also protected from getting infected by these non-residents,” sabi ni Moreno.

Samantala ay tuloy-tuloy naman ang pagpapilaw sa mga pangunahing kalye at kalsada sa Maynila kung saan pinangunahan ni Moreno ang pagpapailaw sa Rizal Avenue kanto ng Recto Avenue.

Pinasalamatan at pinuri ng alkalde sina City Engineer Armand Andres, City Architect Pepito Balmoris, department of public services chief Kenneth Amurao at City Electrician Randy Sadac dahil sa magandang trabaho ng mga ito.

“Mga kababayan, hindi po kami titigil na bigyan kayo ng kapanatagan ng loob at kaligtasan sa kalsada lalo na sa pagsapit ng gabi,” sabi ni Moreno. (ANDI GARCIA)

The post Nagparehistro sa mass vax ng Maynila, 2.1M na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nagparehistro sa mass vax ng Maynila, 2.1M na Nagparehistro sa mass vax ng Maynila, 2.1M na Reviewed by misfitgympal on Setyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.