Facebook

BONG GO UMAYUDA SA CEBU

Nagsagawa ng relief operations ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” sa Pinamungajan at Dalaguete, Cebu nitong September 27 para sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng pandemya ang kanilang buhay at kabuhayan.

Ang grupo ni Go ay namahagi ng mga pagkain, vitamins, masks, at face shields sa 3,936 beneficiaries na idinaos sa Cebu Technological University Covered Court, Pinamungajan at Sports Complex sa Dalaguete.

“Hindi po kayo pababayaan ng gobyernong palaging nagmamalasakit sa inyo. Ipaglalaban namin palagi ang kapakanan ng mga mahihirap lalo na yung mga wala nang matakbuhan. Magtulungan po tayo para masigurong walang maiiwan sa muling pagbangon ng ating bansa,” paggigiit ni Go.

Mga piling benepisaryo ang tumanggap ng new pairs of shoes at ang iba naman ay bisekletang magagamit sa pang-araw-araw na pagpasok sa.mga trabaho. Ang iba naman ay computer tablets para sa kanilang mga anak na nagsisipag-aral.

Ang Department of Social Welfare and Development ay nagkaloob sa mga qualified beneficiaries ng financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program.

Nagkaloob naman ng tulong ang Department of Trade and Industry at ang Technical Education and Skills Development Authority sa mga karapatdapat na maasistehan sa pangangailangang pinansiyal ngayong pandemya.

Bilang Chair of the Senate Committee on Health, ang Senator ay nag-offer ng tulong sa mga benepisaryong nangangailangan ng medical care. Sinabihan ang mga ito na mag-avail ng medical assistance sa Malasakit Centers na nasa Vicente Sotto Memorial Medical Center at St. Anthony Mother & Child Hospital, na parehong nasa Cebu City; Talisay City District Hospital, Lapu-Lapu City District Hospital, Eversley Childs Sanitarium at General Hospital sa Mandaue City at Cebu Provincial Hospital, Carcar City.

Unang inilunsad sa Cebu City noong 2018, ang centers ay nagsisilbing one-stop shop para sa medical assistance programs na ibinibigay ng government, lalo na ang DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang assistance ay sumasakop sa laboratories, medicines, surgeries at other patient services gayundin sa expenses.

“Kung may nararamdaman kayong sakit sa puso o ano man, ‘wag niyo na patagalin pa. Kadalasan ayaw ng mga Pilipino magpa-check-up dahil baka malaki ang gastusin sa ospital. Alam ko kung gaano kahirap maging mahirap pero hindi niyo na kailangang magmakaawa para makahingi ng tulong sa gobyerno,” pahayag ni Go sa kaniyang video message.

“At kung may pasyente na hindi kayang operahan diyan ay tutulungan namin kayo makapunta sa Maynila. Kami na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sasalo sa pampa-ospital ninyo pati pamasaheo hanggang makauwi kayo,” pagtitiyak nito.

Sa panghuli ay binigyang pagkilala ni Go ang iba’t ibang officials para sa kanilang pagsuporta sa administrasyon na mapabuti ang kabuhayan ng mamamayan. Ilan sa mga ito ay sina 2nd District Representative Wilfredo Caminero, 3rd District Representative Pablo John Garcia, Governor Gwendolyn Garcia, Vice Governor Hilario Davide, Pinamungajan Mayor Glenn Baricuatro at Vice Mayor Richard Canillo, at Dalaguete Mayor Jeffrey Belciña at Vice Mayor William Lagahid.

Bilang Vice Chair of the Senate Committee on Finance, si Go ay nagbigay tulong sa iba’t ibang infrastructure initiatives nationwide para sa economic recovery at improvement ng public service delivery lalo ngayong kagipitan.

Sa Cebu ay tumulong si Go sa road improvements ng Alcantara, Alcoy, Alegria, Asturias, Balamban, Boljoon, Borbon, Carmen, Madrilejos, Malabuyoc, Minglanilla, Moalboal, Pinamungahan, Sibonga, Sogod, Tabogon, Tabuelan, Carcar City at Naga City; construction ng multi-purpose buildings sa Barili, Cordova, Ginatilan, Pilar, Tabogon, Cebu City at Talisay City; improvement ng flood mitigation structures sa Catmon at Tuburan; installation ng street lights sa Asturias, Compostela, at Daanbantayan; at acquisition ng ambulance units para sa Madrilejos at Naga City.

Ipinunto nito na ang kaniyang pagtulong at pagprotekta sa kapakanan ng mga Cebuano ay laging pangunahin sa kaniyang pagganap kasama ang local leaders na mapaunlad ang kabuhayan ng.mga kapuwa Bisaya.

“Mga kaigsuonan, mga Bisaya, daghang salamat sa inyong tabang sa amo ni Presidente Duterte. Kami pud, mga Bisaya man pud mi, utang kabubut-on, dili kalimtan. Ug timan-i ninyo, mga Bisaya, pinalangga mo namo ni Presidente Duterte,” saad ni Go.

(Translation: “Sa mga kapatid ko, mga Bisaya, maraming salamat sa inyong tulong sa amin ni Presidente Duterte. Kami rin, mga Bisaya rin kami, utang na loob, hindi nalilimutan. At tandaan ninyo, mga Bisaya, mahal namin kayo ni Presidente Duterte.”)

Ang grupo ni Go ay nagsagawa rin ng relief operations sa Tabogon at Medellin, Cebu mula nitong September 24 hanggang 25 para sa.mga residente sa.mga nasabing bayan na lubhang naapektuhan ng COVID-19.

The post BONG GO UMAYUDA SA CEBU appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BONG GO UMAYUDA SA CEBU BONG GO UMAYUDA SA CEBU Reviewed by misfitgympal on Setyembre 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.