
TILA walang paki-alam ang bagong talagang District Engineer ng Department of Public Works and Highway (DPWH) ng Rizal Provincial 1st Dist sa tagubilin ng kanilang Secretary Mark Villar na bigyang atensiyon ang mga nasirang proyekto ng departamento.
Paano kong nasabi mga Ka Usapang HAUZ na dedma itong si D.E Engr. Perry Cleofas sa kautusan ni Sec. Villar dahil halos dekada na ang sirang Elevator sa may footbridge sa kahabaan ng Ortigas Extension sakop ng Brgy Tikling Taytay Rizal ay ni silip ay di magawa ng opisyal.
Sa nakalap nating impormasyon kasama ang elevator sa pondong inilaan para sa footbridge ni Rizal 1st dist. Congressman Jack Duavit at ito ay ang Road Board, subalit natapos ng lahat ang tulay at nalalakaran na ng mamamayan ang elevator ay ni isang beses ay hindi umandar bakit?
Dapat siguro nating ipaalam kay Cong Duavit na ang kanyang proyektong footbridge with elevator ay hindi nasunod at dapat nitong pagpaliwanagin si D.E Cleofas kung bakit hindi nito magawang bisitahin at ayusin ng sa gayon ay magamit ng mga senior citizen na hirap ng umakyat sa tulay.
Posible rin sigurong hindi na papansinin pa ng kongresista ang nasabing problema dahil abalang abala ito sa pamimigay ng ayuda sa mga biktima ng pandemya subalit paano na ang proyektong kumpleto sa budget kulang sa pagsasa-ayos.
Magbigay lang tayo mga Ka Usapang HAUZ ng comparison sa pagitan ni Rizal 2nd dist Cong. Fidel Nograles at ng kanyang DPWH personel, biro nyo yung Mango bridge sa Montalban na proyekto pa ng dating Rep. Jun Rodriguez ay nagka problema ni ha ni ho ay agad ipinag-utos ng kongresista sa dist engineer ang dagliang pagsasaayos ng tulay.
Nakakapagtaka rin na maging ang DPWH Region IV-A Director Jovel Mendoza ay tila andap na utusan si D.E Cleofas at ang ADE nitong si Engr. Jack Abril para bisitahin at alamin kung paano mapapagana ang dekada ng elevator na di gumagana.
Nais ring malaman ng mga Ka Usapang HAUZ kung gaano katutuo na matapos mag take over bilang bagong OIC D.E itong si Cleofas nang magretiro ang dating D.E engr. Butch Monakil ay ni hindi dumaan sa kaalaman ng RD Mendoza na may itinalaga na itong Assistant sa katauhan ni engr. Abril samantalang dapat ay may isusumiteng lineup sa regional office at sila ang mamimili. Abangan sa susunod na Biyernes ang karugtong!
#####
Dapat sigurong gumawa ng kaukulang aksiyon si House Speaker Cong. Lord Allan Velasco sa inasal ni Rep. Mike Aglipay matapos itong mag-ala Bruce Lee at sipain (hindi yung tipikal na sipa na may body contact) kundi tanggalin sa Viber group ang isang reporter na nakatalaga sa house of representatives matapos hindi magustuhan ang ginawa nitong artikulo.
Sinasabing mismong si Rep. Aglipay ang sumipa sa House of Good Government and Public Accountability Viber Group si Rappler reporter Rambo Talabay dahil sa hindi nagustuhang artikulo tama po ba ito Speaker Velasco?
Maraming house reporter ang dismayado sa ginawang pagtanggal kay Talabong sa nasabing viber group na posibleng sila rin ay makaranas ng diskriminasyon sakaling hindi rin magustuhan ng ilang mga kongresista ang artikulong gagawin ng isang mamamahayag.
Nais ng Usapang HAUZ na tawagan ng pansin ang hindi kunsintidor na house speaker Lord Allan Velasco sa nangyaring hindi kanais nais kay Rappler reporter Talabong at hingian ng paliwanag si Rep. Aglipay sa ginawa nitong pagtanggal sa viber group ng mamamahayag.
***
Para sa anumang Reaksiyon Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036.
The post Bagong D.E ng Rizal Dedma sa Utos ni Sec. Villar at Rep. Aglipay Nag-Ala Bruce Lee! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: