
Mag-aalburuto na sa matagal na paghihinampo ang mga manggagawa ng GOVERNMENT OWNED AND CONTROLLED COMPANY (GOCC) at mga manggagawa ng GOVERNMENT FINANCIAL INSTITUTION (GFI) dahil isang dekada na ay walang umento sa sahod ang mga ito gayong karamihan sa kanila ay kinakailangang nasa kanikanilang pinagtatrabahuan at hinde oobra ang work at home kahit panahon ng pandemya.
Ang siste, noon pa palang June 6, 2011 sa administrasyon ni dating PRESIDENT BENIGNO “NOYNOY” AQUINO JR ay ipinanukala na.noon ni SENATOR FRANKLIN DRILON ang RA 10149 na naglalayon sa financial viability at fiscal discipline para sa Government Owned o Controlled Corporation.., na inaprubahan ni yumaong PRESIDENT NOYNOY AQUINO ang EXECUTIVE ORDER No. 203 Series 2016 para sa COMPENSATION AND POSITION CLASSIFICATION SYSTEM (CPCS).
Gayunman, napalitan na siya ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE kaya hinde pinaimplementa dahil pag-aaralan daw muna ng GOVERNANCE COMMISSION FOR GOCCs (GCG). Ang siste pa ay kumuha ng PRIVATE CONSULTANT ang GCG at ipinabahala sa TOWER WATSON na mapag-aralan ang CPCS.., na itong TOWER WATSON ay binayaran ng gobyerno sa halagang P47,500,000.., woww e anong silbi ng mga nailagay sa pagiging GCG at bakit sila ipinuwesto kung hinde rin naman pala nila kayang gampanan ang pagiging COMMISSIONER?
Para sa pangkaalaman ng mga mambabasa, ang mga establisimyentong sakop ng GOCC ay ang PHILIPPINE PORTS AUTHORITY (PPA), CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES (CAAP), MANILA INTERNATIONAL AIRPORT (MIA), PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION (PAGCOR), PTV4, CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES at iba pa. Ang kontrolado naman ng GFI ay ang LANDBANK, GSIS at iba pa.
Ang mga manggagawa sa mga sektor na nabanggit ay napag-iwanan na sa suweldo kumpara sa sahod ng mga sundalo, pulis, city hall/ municipal workers, at iba pang government agencies.
“Sa totoo, sir Irwin, ay hindi namin alam kung gaano kalaki o kung may ilalaki nga ang idadagdag na sahod ng mangagagawa dyan sa sa CPCS, kasi ang GCG at ang Tower Watson lang ang gumawa at nagaral neto… sila na din ang naghain sa Pangulo netong June 2021 para pirmahan na nga ang CPCS… pero hindi nila pinakita sa mga Unyon ng Mangagawa ng GOCC at GFIs kung ano nga ang laman neto,” pahayag sa ARYA ni LUCENA CITY PANTALAN CHAPTER PRESIDENT ISRAEL “BONG” CAMBI
Teka.., may nalabag sa sistemang ito na binalewala na naman ang karapatan ng mga manggagawa na maging kabahagi sa paglikha hinggil sa karapatan ng mga manggagawa.., at saan naman kaya ibinase ng PRIVATE CONSULTANT ang kanilang.mga datos?
Nitong August 24, 2021 sa PRESS BRIEFING ni SPOKESMAN HARRY ROQUE ay nasabi nito na naka-hold daw ang CPCS dahil wala raw pagkukuhanan ng budget.., naku e ang mga ahensiyang kontrolado ng GOCCS at GFI ay sila ang nagpapasok ng pera sa kaban ng bayan; so, hinde ito aasa sa pondong ibibigay ng gobyerno dahil may sariling kinikita ang mga ahensiyang ito.
PAGING SEC. ROQUE.., hinde kakailanganin na hagilapan ng budget ang mga nabanggit na ahensiya dahil kumikita ng limpak na salapi ang naturang.mga ahensiya.., na dapat ay alam mo yan o baka nabakunahan ka na at yan ang naging epekto sa yo.., na pumurol ang utak mo?
“10 taon na po kaming napag-iwanan ng sahod….. 1 dekada na po na napabayaan kahit patuloy pa din ang pagpasok namin ng pera sa kaban ng bayan…… sa totoo Sir Irwin, dito po sa amin kinukuha nila ngayon ang budget para sa mga ayuda para sa pandemya. Hindi po nila inalala na taasan ang aming mga sahod at tinanggalan pa kami ng rice allowance, healthcare card at iba pang benefits.., pero ang tanong talaga namin ay bakit ayaw pirmahan ni PRRD ang CPCS na para sa amin?” saad ni BONG CAMBI.
PAGING PRES. DUTERTE.., ano nga ba ang dahilan bakit tila hinde ninyo pinagmamalasakitan ang sektor ng GOCC at GFI o baka sadyang hinde pa inilalapag sa inyong mesa ang mga papeles para sa naturang sektor ng mga manggagawa?
Bunsod nito ay pag-aalburuto na ng mga manggagawa ang kanilang ipinapakita sa pagbabakasakaling mabigyan sila ng atensiyon sa kanilang hinaing; kung saan ay mapayapang protesta pa rin ang ginagawa ng mga nasabing manggagawa na tuwing Biyernes ay pagsusuot ng itim na damit ang ginagawa at pagpopost sa social media na may hashtag #LongDelayedCPCSnowNa.
Gayunman, dahil sa tila hinde pa rin napapansin ng gobyerno ang pag-aalburuto ng mga ito ay maglulunsad na ang mga manggagawa ng kilos protesta at pangangalampag sa mga GOVERNMENT OFFICIAL. Sa Linggo (October 3, 2021) ay maglulunsad ang mga ito ng MOTORCADE at NOISE BARRAGE mula LUNETA hanggang MENDIOLA para maiparating sa MALACAÑANG ang kanilang mga hinaing lalo na ngayong panahon ng pandemya!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post GOCC workers mag-aalburuto na! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: