BUMAGSAK sa mga kamay ng pulisya ang lider ng ‘Bryan Felizardo Drug Group at 4 nitong kasama sa isang malawakang drug bust na ikinasa ng pulisya sa NIA Open Canal Road Barangay Pasong Camachille 2, General Trias city, Cavite, nitong Miyerkoles.
Kinilala ang mga nadakip na sina Felizardo Nablo Bryan, 31 anyos, ng #149C Gawaran St. Brgy. Digman, Bacoor City, lider ng Bryan Felizardo Drug Group; Ordoñez Geraldo, 48, ng 2215 Sgt Dante St., Brgy Aplaya, Binakayan, Kawit; Recardo Mahilum alias ‘Arkad’ 40, ng Aplayang Munti, Cavite City; Richard De Alca, 33; at Queenlie Mata, 20; ng Brgy. Habay 1, Terona Highway, Bacoor City.
Sa ulat, 7:30 ng gabi nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng SOU-4A, PNP DEG (lead Unit), PDEA-Cavite, Bacoor City Police Station, at General Trias City Police Station ang malakihang buy-bust laban sa suspek.
Sa kahabaan ng Open Canal at katabi ng isang gasolinahan naganap ang drug deal. Nasa 250 gramo ng shabu na aabot sa P1,700,000 milyong piso ang nakuha sa suspek.
The post Lider ng drug group, 4 pa timbog sa P1.7m shabu appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: