Facebook

P36.8m shabu sa loob ng tea bag nasabat sa QC

Nadiskubre ang P36.8 milyong shabu sa loob ng Chinese-labelled tea bags sa ikinasang buy-bust sa Misamis Road sa Barangay Sto. Cristo sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Jason John Alberca alias Jun-Jun, 43-anyos, at CCTV installer.

Isinagawa ang naturang operasyon ng sama-samang pwersa ng NCRPO, City Drug Enforcement Unit of Lipa sa Batangas, at Quezon City Police District Station 15.

Hinihinalang sangkot si Alberca sa distribusyon ng droga sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon.

Sasailalim naman sa drug test si Alberca at dadalhin sa Camp Bagong Diwa.

The post P36.8m shabu sa loob ng tea bag nasabat sa QC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P36.8m shabu sa loob ng tea bag nasabat sa QC P36.8m shabu sa loob ng tea bag nasabat sa QC Reviewed by misfitgympal on Setyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.