HINIMOK ng Philippine Red Cross (PRC) ang publiko na mag-donate ng kanilang dugo pagkatapos magpabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Chairman and CEO Senator Dick Gordon, lahat ng bakuna na available ngayon sa bansa ay ligtas kaya hinihikayat ang publiko na karapat-dapat na blood donors na mag-donate ng kanilang dugo kung walang nararanasang mga simtomas ng virus
Aniya, hindi tumitigil ang pangangailangan ng dugo kayan naman inaabisuhan ang publiko na maging blood donors at magdonate sa huamnitarian organization.
Paalala ni Gordon, ang mga nakakaranas ng mild vaccine-related symptoms, tulad ng pananakit ng kalamnan o pananakit sa bahagi ng tinurukan, ang pagdo-donate ay dapat pitong araw pagkatapos ng sintomas.
Sa iba pang vaccine-related symptoms gaya ng lagnat, pangingig, rashes, generalized muscle ache o joint pain, swelling lymph nodes, at iba pang systemic symptoms, kailangan 14 na araw pagkatapos ng kanilang simtomas bago maaring makapag-donate ng kanilang dugo.
Sa mga nais mag-donate ng dugo,maaring tumawag sa PRC 143 hotlines o (+632) 8790-2300. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)
The post PRC hinimok mag-donate ng dugo ang fully vaccinated appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: