Facebook

Pulis patay sa ambush sa Tuguegarao

CAGAYAN – Naliligo sa kanyang sariling dugo ang bangkay ng isang pulis nang datnan ng mga awtoridad matapos itong tambangan sa kahabaan ng Barangay Carig Sur, Tuguegarao City dito sa lalawigan.

Kinilala ang biktima na si SSgt. Aldrin Allam, tubong Cabbo, Peñablanca at nakabase sa Lallo Police Station.

Dakong 5:50 Biyernes ng hapon, habang binabaybay ng pulis ang kahabaan ng Barangay Carig Sur lulan ng kanyang minamanehong Toyota Vios (NOS 462) nang pagbabarilin ito ng sakay ng kulay abo na van na walang plaka.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na agad binawian ng buhay.
Mabilis na tumakas ang mga salarin.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa krimen ang pulisya. (REY VELASCO)

The post Pulis patay sa ambush sa Tuguegarao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis patay sa ambush sa Tuguegarao Pulis patay sa ambush sa Tuguegarao Reviewed by misfitgympal on Setyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.