DAVAO CITY – Patay ang isang public school teacher na nagsa-sideline bilang food delivery rider nang bumangga sa isang dump truck sa C.P Garcia Highway, Bypass road, Ulas, Davao City.
Kinilala ang biktima na si Jon Lee, nagtuturo sa Doña Carmen Denia National Hight School, at resident ng No. 6 Venus Street, Oiedad, Toril Davao City; habang ang dump truck driver kinilalang si Hector Sabangan Jr, residente ng Sadaan, Midsayap, North Cotabato.
Inihayag ni Police Major Sean Logronio, hepe ng Talomo PNP na matindi ang natamong mga sugat ng biktima na halos nahati pa sa dalawa ang katawan nito na nag-resulta ng kanyang agarang kamatayan.
Sa imbestigasyon, parang nagmamadali ang biktima kaya kahit naka-red light na ay humarorot pa rin ito ng takbo kung kaya nahagip ng dumptruck.
Nakaladkad pa ang motor nito at nagulungan pa ang biktima kung kaya’t halos madurog at hindi na makilala ang hitsura ang katawan nito.
The post Titser sideline bilang food delivery rider, pisak sa dump truck appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: