NGAWNGAW nang ngawngaw ang Makabayan Bloc sa Kongreso at iba pang mga kritiko ukol sa 2022 budget para sa Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na kesyo gagamitin daw ito sa eleksiyon sa susunod rin na taon.
Ito ang pinabulaanan at tinagurian pang fake news ang mga ngawngaw ng Makabayan ng dalawang opisyal na talaga namang nakaalam sa pondo para sa BDP.
Unahin natin ang mga paliwanag ni Director Monico Batle, ang Action Officer ng NTF-ELCAC para sa BDP, na nagsasabi na sino man ay maaaring suriin ang mga pondo para sa BDP kahit sa website lamang ng ahensiya o kaya naman ay sasamahan nila sa mga benepisaryong mga barangay upang tingnan ang kalagayan ng mga proyektong ginagawa roon na pinodohan ng BDP.
Mahirap daw kasing gamitin ang budget ng BDP sa eleksiyon, ang sabi ni Batle, kasi maraming rules o alituntuning bumabalot dito at may monitoring system na nagbabantay sa takbo ng pondo at mga proyekto. Mapa-DILG man o NTF-ELCAC aniya, ay hindi pwedeng ipihit sa ibang pagkakagastahan ang pondong para sa BDP.
Kaya nga raw minsan ay may delay sa mga proyektong napondohan dahil sa dami ng mga dinadaanan na taga-suri kung saan napunta ang pondo, maliban pa sa mga taga-barangay na nakabantay din dahil umaasa sa mga proyektong ibubuhos sa kanilang lugar.
Si Assistant Director Rene Valera naman ng Office of Projects and Development Service – Project Monitoring Office ng DILG, ay nagsabi na hindi rin maaaaring galawin o ilipat ng mga local chief executives (LCEs) gaya ng mga gobernador at mayor ang idinadaan sa kanilang mga opisina na pondo para sa BDP.
Ikakukulong pa nga raw ng mga LCE kapag ginawa nila ito, dahil na rin sa “strict monitoring mechanism’ na inilagay para bantayan ang pondo sa BDP.
Kasi nga, ang pondo ng BDP ay para pabangunin muli ang mga barangay sa malalayong lugar na pineste ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF. Dagdag pa ni Valera, ang mga barangay na ito na naitaboy na ng tropa ng pamahalaan ang mga pesteng CPP-NPA-NDF, ang makikinabang sa BDP dahil ang pondo ay gagastusin sa mga pangangailangan ng mga residente doon.
Si DILG Usec. Jonathan Malaya nga ay noon pa sinasabi na ang mga barangay na popondohan ng BDP ay mga maliliit na barangay na may maliit din bilang ng mga botante. At kung para sa eleksiyon ang pondo, di sana ibinuhos na ng administrasyon ang pondo sa mga lugar na maraming botante.
Kaya magtigil na kayong mga miyembro ng Kamatayan Bloc, bukod sa talaga namang mga komunistang-terorista kayo nabibilang, ay wala naman kayong ginagawa diyan sa Kongreso kung di ang magngangangawngaw lang. Gaya ng mga pusang gala.
Alam na ng taong bayan ang inyong mga galaw.
The post PAGLILINAW SA NGAWNGAW appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: