Facebook

Painit na nang painit

SA susunod na linggo buwan na ng Oktubre, magsisimula nang lumamig ang panahon dahil sa Hanging Amihan na talaga namang nangyayari din kapag-nalalapit na ang kapaskuhan. Pero tila painit naman nang painit ang panahon ng politika na paparating din.

Nandiyan ang panahon ng paghahain ng “certificate of candidacy” o hangaring pagtakbo sa posisyon, mula sa pagiging presidente pababa sa pagiging miyembro ng konseho o sangguniang bayan.

Painit nang painit dahil sa mga napipintong tambalan ng mga kandidato sa pagka-pangulo at bise-presidente, Magkaka-alaman na ika nga. Magkakaroon ng panandaliang alyansa ang mga partido-politikal. Maglalabo-labo ang ibat-ibang grupo ng mga taga-suporta at mga organisasyon para lamang manalo ang kanilang kandidato.

Makakasagap tayo ng mga balitang sisira sa mga pagkatao ng mga kandidato. Mga rebelasyong ang iba ay ngayon pa lamang natin maririnig o mababalitaan. Ang panahon ng batuhan ng putik ay iinit na rin.

Ngayon pa nga lang na di pa naghahain ng kandidatura ang lahat ay nagbabatuhan na ng putik ang ibang pulitiko. Circus o peryahan ang atin matutunghayan sa panahon ng painit na, nang painit na pulitikahan.

Sa lungsod ng Quezon halimbawa na lang. Maingay na si Anakkalusugan Partylist Congressman Michael “Mike” Defensor na naghahangad tumakbo bilang Mayor ng Quezon City. Kanyang inakusahan ng katiwalian ang naka-upong punong-lungsod na si Mayor Joy Belmonte.

Overprice na mga presyo ng mga pinagbibiling pang-ayuda at mga kagamitang panglaban sa pandemyang dulot ng Corona virus. Di lamang naman sa lokal na lebel nangyayari at nababalitaan natin ito, kung di maging sa national level di ba?

Kapag panahon na nang batuhan ng putik, sari-saring nakakabiglang katiwalian ang maglalabasan kahit malayo na sa katotohanan, ang ating maririnig at mababalitaan. Kaya kwidaw kayo mga kaibigan. Tayo ang mga mamimili kung sino sa kanila ang talagang nararapat sa mga posisyong nakahain sa darating na halalang 2022.

Huwag kayong padadala sa painit na, nang painit na panahon ng pulitikahan. Namnamin muna natin ang lamig ng kapaskuhan habang tinitimbang nang mabuti ang mga kakandidatong mga politiko na makikita na naman natin sa mga harapan ng ating tahanan lalo na paglumarga na ang panahon ng kampanyahan.

Chill lang muna tayo sa panahong ito.

The post Painit na nang painit appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Painit na nang painit Painit na nang painit Reviewed by misfitgympal on Setyembre 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.