Facebook

PH teams dumating na sa Thailand

LUMAPAG na ang Philippine women’s team sa Thailand Miyerkules ng umaga upang sumabak sa 21st Asian Women’s Club Volleyball Championship.

Ito ang unang pagkakataon na sasabak ang Pilipinas sa international competition sa ilalim ng liderato nang Philippine National Volleyball Federation (PNVF).

Ang Team Rebisco at Team Choco Mucho ay kakasa sa limang ibang teams sa tournament, na may nag-iisang spot sa FIVB Women’s Club World Championship na nakataya. Ang world club tournament ay nakatakda sa December 15-19 sa Turkey.
Ang Aby Marano—lead Team Rebisco ay naka-bracket sa Pool B, kasama ang Thailand’s Supreme Chonburi ,Kazakhstan’s Altay at Iran’s Saipa.

Habang ang TeamChoco Mucho, ay nasa Pool A kasama ang Thailand’s Nakhon Ratchasima QminC VC at Kazakhstan’s Zhetyssu.

Ang lahat ng players ay na swabbed bago umalis sa Manila, at muling isailalim sa isa pang round ng COVID-19 test bago ang competition sa Huwebes, ang Swab test ay isasagawa tuwing ikatlong araw.

Unang makakasagupa ng Choco Mucho sa Pool A sa Biyernes ang Nakhon Ratchasima 1;30 pm (Manila time) habang ang Rebisco makakatunggali ang Altay sa Pool B 7 pm (Manila time).

Kinabukasan, makakaharap naman ng Choco Mucho ang Zhetyssu para tapusin ang Pool B assignments 1;30 pm,habang ang Rebisco kontra Supreme Chonburi 4;30 pm (Manila time) lahat ng laro ay gagawin sa Terminal 21 competition Hall.

The post PH teams dumating na sa Thailand appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PH teams dumating na sa Thailand PH teams dumating na sa Thailand Reviewed by misfitgympal on Setyembre 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.