Facebook

PSC, AANI NG SUPORTA

SUPORTADO na ng Senado ang budget ng PHILIPPINE SPORTS COMMSSION (PSC) ayon sa update. Panawagan pa ng mga senador na taasan ang 2022 budgetallocation nito dahil na rin sa successive schedule of events for next year.

Takdang salihan ng Pinas ang Southeast Asian Gamessa Vietnam, Asan Games, Winter Olympic Games at Asian Youth Games sa China, Asian Indoor and Martial Arts Games sa Thailand bukod sa iba pang nakalinya. Nasa Php1.574 B ang proposed budget ng mga senador.

Sa totoo lang naman, tungkulin ng mga mambabatas nasuportahan nang tama ang Sports sa bansa, first and foremost, sa kabanng bayan at tax ng mga mamamayang Pinoy ang source ng pondo, tamang suporta lang ang dapat. Salamat po sa Senado!

So laudable po ang pagtataguyod ng PSC sa ating athletes at namamayagpag ang bunga sa successive ding pagbitbit ngPinoy athletes ng medalyang gold, silver at bronze sa iba-ibang larangan ng Palakasan.

Habang lutang pa tayo sa naiuwing first ever Olympic gold ni HIDILYN FRANCISCO DIAZ (weightlifting 1ST gold medal in 97 years) sa nagdaang 2020 Tokyo Olympics, sumunod ang bitbit nina NESTHY PETECIO (boxing silver medalist ), CARLOS PAALAM at EUMIR MARCIAL (bronze medalists), CARLOS YULO (Gymnastics 4th placer) at iba pang lumaban para sa Pinas.

Patuloy ang dagdag-medalya sa itinatak naman ni EJ OBIENA, gold medal sa 17th International Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria at 5.93 meters, Best Asian Pole Vaulter in the World, particularly in Asia (at 25 y/o). Marami pang mararating. Sumunod pa ang karangalang hatid ni Filipino Cue Artist CARLO BIADO sa billiards, wagi sa US Open POOL Championship. Restback naman ni CARLOS EDRIEL ‘ CALOY” YULO ang bagong gold at bronze awards sa 2021 All Japan Senior and Masters Gymnastics Championship sa Yamagata, Japan.

Salamat po nang napakarami sa individual/private sponsors na sumuporta sa mga Atletang Pinoy na nag-uwi ng medalya at karangalan sa kabila ng mga naunang panawagan na kulang ang suporta ng gobierno sa kanila. Salamat po sa aanihing suporta sa Palakasan thru PSC at wala po sanang magsawa sa pagsuporta. So there!

TAMAAN WAG MAGALIT!

HINDI po namin makapa sa sarili kung matatawa o maaasar sa dalawang particular sportscasters na nagkokober ng PBA games at regular na nasusundan sa Free TV via TV5. (Papansin ba, epal ba o nagpapatawa?). Nakapaninibago kasi na tawagin o i-pronounce ang surname ng isang player sa kakatwang bigkas. Dati nang BANCHERO o Bantsero ang bigkas sa pangalan ni CHRIS BANCHERO mula pa sa PUREFOODS at ALASKA kung saan nagsimula siyang magpakitang-gilas.

Nasa PHOENIX FUEL MASTERS ngayon si CHRIS na tinatawagngayon ng 2 nagkokober sa attention-catching na BANGKERO (mamamangka) at BAKERO (Japanese term pag sinisigawan ang Pinoy as per history). Wala po tayong masamang intension sa pagpuna dahil marami rin sa viewers ang nakapansin na. Anyway, mas pinasisikat nilasi CHRIS BANCHERO sa ganyang istilo. Just saying.HAPPY READING!

The post PSC, AANI NG SUPORTA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PSC, AANI NG SUPORTA PSC, AANI NG SUPORTA Reviewed by misfitgympal on Setyembre 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.