Facebook

QC LGU, Red Cross at SM Supermalls, kapit-bisig sa pagbabakuna

PARA hikayatin ang mas marami pang residente ng Metro Manila na magpabakuna na kapit-bisig ang Quezon City government, Philippine Red Cross Novaliches Chapter at SM Supermalls sa pagbabakuna sa mga taga Quezon City.

Pinangunahan ni 5th District QC Councilor PM Vargas, President ng Red Cross Novaliches Proper ang pangangasiwa sa pagbabakuna nitong Biyernes ng umaga, Setyembre 17, 2021 ng kanilang mga volunteer health workers katulong ang private sector sa SM Novaliches, QC.

Ayon kay Vargas ang hakbang ay isang tripartite vaccination effort para mabakunahan ang mga taga QC na mas kumbiniente at ligtas na venue sa lungsod.

“Isang malaking tulong na nagkakaisa ang public at private entities para mas marami ang mahikayat na magpabakuna lalo na’t patuloy ang pagkalat ng Covid variants. Paraan natin ito, para matamo na natin ang population protection at manumbalik na tayo sa normal na takbo ng ating buhay sa lalong madaling panahon,” pahayag ni Vargas.

Sinabi pa nito na bukod sa malalaking malls sa District 5 tulad ng SM Supermalls, may ugnayan din ang kanyang tanggapan sa mga Homeowners Association sa distrito para magbakuna.

Kaugnay nito umaabot na sa mahigit 5,000 indibwal ang napabakunahan ng Red Cross Novaliches branch katulong ang tanggapan ni QC Mayor Joy Belmonte at private sector.

“Sa pagpasok natin sa Granular lockdown, naway makatulong ang effort na ito ng Red Cross, SM at Quezon City Government” dagdag ni Vargas.

Samantala, sinabi nito na patuloy ang Red Cross Novaliches branch sa pagtataguyod ng vaccination program para maprotektahan ang bawat komunidad sa lungsod.

Pinaalalahanan din niya ang publiko na magparehistro sa QC Vax Easy para makakuha ng vaccination schedule sa pamamagitan ng https://ift.tt/3Cfpwrw Celario)

The post QC LGU, Red Cross at SM Supermalls, kapit-bisig sa pagbabakuna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
QC LGU, Red Cross at SM Supermalls, kapit-bisig sa pagbabakuna QC LGU, Red Cross at SM Supermalls, kapit-bisig sa pagbabakuna Reviewed by misfitgympal on Setyembre 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.