
Sa pagkakaapruba ng gobyerno sa pagbubukas ng national vaccination program para sa general population simula ngayong October ay umaapela siSenator Christopher “Bong” Go sa lahat ng mamamayan, na agarang magpabakuna bilang pamproteksiyon sa kanilang sarili laban sa banta ng Covid-19.
Sa video message sa isinagawang aktibidad sa Bayog, Zamboanga del Sur ay umapela si Go sa publiko na pagtiwalaan ang bakuna para maabot ang herd immunity.
“Pakiusap, kailangan namin ang kooperasyon at disiplina ninyo. Kung gusto niyo makamtam natin ang population protection ngayong taon, para masaya naman ang Pasko natin, patungo sa herd immunity, ay magpabakuna na kayo. Huwag kayo matakot dito dahil kahit kami ay nagpabakuna na rin,” saad ni Go.
“Kung mahal niyo ang inyong pamilya, ‘wag niyong sayangin ang pagkakataon kung nasa priority list kayo. Tingnan niyo ang nangyayari sa ibang bansa. Umakyat muli ang bilang ng mga kaso nila dahil sa Delta variant na mas nakakahawa. Ayaw nating bumagsak ang ating healthcare system kaya pakiusap, ‘wag tayo maging kampante,” apela ni Go.
Nitong September 25, ang grupo ni Go ay namahagi ng mga pagkain, vitamins, masks, at face shields sa 1,012 market vendors at members ng Tricycle Operators and Drivers Association. Ang distribution ay isinagawa per batches sa Bayog Gymnasium bilang pagtalima sa ipinaiiral na health and safety.
Mga piling benepisaryo ang nabigyan ng new pairs of shoes at ang iba ay mga bisekleta naman. Ang iba ay mga computer tablets na magagamit ng kanilang mga nagsisipag-aral na mga anak.
Namahagi naman ng financial assistance ang Department of Social Welfare and Development at ang Department of Agriculture ay namigay naman ng seedlings sa magkahiwalay na distribution.
Ang Department of Health ay nagsagawa naman ng medical check-ups at namigay ng hygiene kits at karagdagang masks at vitamins.
Samantala, ang Technical Education and Skills Development Authority ay namigay ng snacks at nagsagawa ng assessments para sa kanilang scholarship grants. Ang Department of Labor and Employment at ang Department of Trade and Industry ay namahagi naman ng kanilang livelihood assistance programs.
Bilang Chair of the Senate Committee on Health ay nag-alok ng tulong ang Senator sa mga nangangailangan ng medical care at sinabihang makakakuha ang mga ito ng medical assistance sa Malasakit Center na nasa Zamboanga del Sur Medical Center, Pagadian City o sa Margosatubig Regional Hospital (MRH) sa Margosatubig town.
Ang Malasakit Centers program na unang inilunsad ni Go noong 2018 at naisabatas noong 2019 sa pamamagitan ng bill na inakdaan at inisponsoran nito sa Senado, ay naglalayong mapabuti ang delivery ng medical assistance sa mga mahihirap at indigent sa ilalim ng iisang bubong. Ang agencies ay kinabibilangan ng DOH, DSWD, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.
Bilang panghuli ay nagbigay pagkilala si Go sa leadership nina 2nd District Representative Leonardo Babasa Jr.; Mayor Celso Matias; Vice Mayor Jocel Babasa; Councilors Horace Anlap, Junel Bacbac, Berly Jate, Ernesto Yagos, Norelyn Rodriguez, Cerilo Carcueva, Ronilo Yamaro at Godofredo Compacion; Association of Barangay Captains President Julito Endoy; at Sangguniang Kabataan Federation President Sunny Loriche.
Bilang Vice Chair of the Senate Committee on Finance, ang Senator ay nagkaloob ng suporta sa acquisition ng multi-purpose vehicles para sa local government ng Bayog.
Sinuportahan din nito ang mga inisyatiba ng Zamboanga del Sur, tulad ng construction sa multi-purpose buildings ng Aurora, Dimataling, Dinas, Kumalarang at Pagadian City; construction ng Midsalip-Buboan Road at local road sa Mahayag; concreting ng farm-to-market roads sa Dimataling, Dinas, Dumalinao, at Midsalip; road concreting sa Dimataling, Kumalarang at Molave; concreting ng coastal highway sa Lapuyan; rehabilitation ng flood control structure sa Lanao – Pagadian – Zamboanga City Road; installation ng street lights sa Guipos; improvement ng water system sa Josefina; at improvement ng infrastructure at provision ng bagong medical equipment ng MRH.
Nitong September 24, ang team ni Go ay namigay rin ng relief sa libong mga residenteng naapektuhan ng pandemic sa Pagadian City.
The post APELA NI BONG GO MAGPABAKUNA LAHAT appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: