
Sadyang maagap ang AGAP partylist o Agricultural Sector of the Philippines ‘di lamang sa pagtugon sa suliranin ng sektor ng agrikultura kungdi una rin itong naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC), sa Sofitel Hotel sa Pasay city, nitong Biyernes ng umaga.
Kung saan ang mga tumatayong kinatawan ng grupo sina Rep. Nick Briones bilang first nominee, anak ni senator Tito Sotto na si Quezon City Councilor Lala Sotto bilang second nominee; at third nominee si Lito Bagui, Chairman ng Soro-Soro Ibaba Development Cooperative.
Ayon kay Briones, kai-langan patuloy na magkaroon ng representative sa kongreso ang mga magsasaka dahil sa dami ng suliranin sa usaping agrikultura.
Sinabi ni Briones na ang AGAP partylist ang magsusulong sa pakikipaglaban para sa kapakanan ng mga magsasaka.
Nais ng grupo na umunlad ang kooperatiba sa bansa para tungunan ang pangangailangan ng mga local farmers.
Aniya, kailangan isulong sa Kongreso na magkaroon ng maitaas na budget ang mga magsasaka, labanan ang smuggling at sobrang importasyon ng lahat ng produkto ng agrikulltura.
Ayon naman kay Lala Sotto, naniniwala siya na ang agrikultura ang may pinakamalaking ambag sa ekonomiya ng bansa na kailangang bigyan ng suporta at importansya lalo na’t maraming problema ang kinakaharap ng bansa ngayong panahon ng pandemya, isa na rito ang African Swine Fever (ASF) na na-nalansa sa mga baboy sa bansa.
Naniniwala si Sotto na kailangan mayroon food security para wala ng nagugutom at kailangan din mayroon food safety para magkaroon ng malusog na pangangatawan ang bawat pamilyang Pilipino.
Naniniwala din ang AGAP partylist na dapat itigil na ang importasyon at sa halip tulungan ang mga produkto ng local farmers.
Tiniyak naman ng grupo na kapag ang kapaka-nan ng magsasaka ang pag-uusapan sisiguraduhin nila na hindi ito magiging negotiable.
Samantala, hiniling ng grupo na tangkilikin ang lokal na mga produkto dahil bukod sa masarap at sariwa ito, natulungan pa natin kumita ang kapwa nating Pilipino.
The post AGAP partylist ‘early bird’ sa paghahain ng COC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: