NILAGDAAN na ni Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang certificate of candidacy (CoC) nitong Huwebes bilang presidential candidate ng Aksyon Demokratiko party at nakatakdang i-file ito sa Commission on Elections sa October 4. Ang nasabing petsa ay Kapistahan ni St. Francis de Assisi, patron ng mga dukha at kaarawan ng yumaong showbiz host na si German Moreno na itinuturing ng alkalde bilang ikalawa niyang ama.
Naroon sa paglagda ni Moreno ng CoC sa kanyang tanggapan sa Manila City Hall ang kanyang legal adviser na si Atty. Cris Tenorio, lead counsel Atty. George Garcia at Lito Banayo.
Magpa-file si Moreno ng kanyang CoC kasabay ang kanyang runningmate na si Doc Willie Ong ganap na alas-11 ng umaga ng nasabi ring petsa sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Philippine Plaza, na itinakda ng Comelec.
Sinabi ni Tenorio na ang pagpili ng petsa sa pagpa-file ay base sa payo ng religious leader sa isang member ng kanilang legal team na in line naman sa sikat na slogan ng alkalde, ‘God, First!.’
Magandang ang araw ng pagpa-file ni Moreno ng kanyang CoC sa Kapistahan ni St. Francis de Assisi, at dinagdag din na si Francesco ang founder ng Order of St. Clare at order of Friars Minor.
Ang nasabi ring petsa ay kaarawan ni German Moreno. Ang alkalde ay kilalang protégé ni Moreno at gumabay sa kanya sa kanyang tagumpay sa showbiz na nagdulot ng malaking pagbabago sa kanyang buhay.
Sa pagpa-file ni Moreno ng kanyang CoC ay matutuldukan na ang agam-agam na bababa sa pagka bise presidente ang alkalde na kanya na rin pinasinungalingan.
Sinabi pa ni Moreno na kaya siya tatakbo sa mataas na posisyon dahil tiwala siya na ang kanyang successor na si Vice Mayor Honey Lacuna ay itutuloy ang lahat ng magagandang proyekto at gawaing nasimulan niya. Si Lacuna ay tatakbong mayor kasama si third district Congressman Yul Servo bilang vice mayoral candidate.
Sa kasalukuyan ang termino ni Moreno ay nakapagtayo ng pitong mass housing projects, rehabilitation ng maraming public school buildings, Manila Zoo at Ospital ng Maynila na inaasahang kapantay ng mga private hospitals kapag natapos. Mayroon ding monthly allowances ang senior citizens, solo parents, students at persons with disability.
Sa termino din ni Moreno ay nakatugon ang lungsod sa mga suliraning dala ng pandemya. Nanguna ang Maynila sa pagbibigay ng free swab tests at iba pang hospital services ‘di lamang sa mga taga-Maynila kundi maging sa ibang lungsod sa NCR at karatig probinsya. At bilang panghuli sa termino ni Moreno itinayo ang may 344-bed capacity na Manila COVID-19 Field Hospital na bukas sa mga non-Manilans. (ANDI GARCIA)

The post CoC, pinirmahan na ni Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: