Facebook

Konsehal nanakit ng caretaker ng simbahan?

ILOILO CITY – Inakusahan ng caretaker ng Jaro Metropolitan Cathedral na tinulak at tinangka siyang tadyakan at sakalin ni Iloilo City Councilor Eduardo Peñaredondo.

Sinabi ni Police Staff Sergeant Mary Lye Vencer na sinabihan ni Ebe Hinojales, 51, residente ng Barangay San Isidro, Jaro, si Peñaredondo na iabante nito ang kanyang sasakyan para hindi makaharang sa exit gate ng simabahan.

Base sa imbestigasyon, napag-alaman na nagtamo ng gasgas sa kanyang braso si Hinojales dahil sa insidenteng ito.

Pero dumipensa naman ng konsehal na hindi niya sinaktan ang caretaker ng simbahan.

Sa katunayan, agad naman sumunod si Peñaredondo sa sinabi ng caretaker nang pina-abante nito ang kanyang sasakyan.

The post Konsehal nanakit ng caretaker ng simbahan? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Konsehal nanakit ng caretaker ng simbahan? Konsehal nanakit ng caretaker ng simbahan? Reviewed by misfitgympal on Oktubre 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.