Facebook

Viral post ng pagbebenta ng sanggol online iimbestigahan

Iimbestigahan na ang viral online post ng pagbebenta ng sanggol online.

Ito ay matapos na lumitaw ang post ng isang ina na ibinebenta ang kaniyang sanggol online sa halagang P10,000.

Napag-alaman na kaya nagawa ng magulang ang pagbebenta at pag-upload nito online ay dahil nahihirapan na sila maibigay ang pangangailangan ng sanggol at wala na rin umano silang makain.

Agad naman na nagpaabot ng paghingi ng tawad ang ina sa pamamagitan ng isa pang social media post, at inamin na inutusan lamang siya ng kaniyang asawa na nagsabing ibenta na lang ang bata.

Sa kabila nito, bubusisiin pa rin ng Women and Children Protection Team at Davao City Cybercrime Response Team ang naturang kaso.

The post Viral post ng pagbebenta ng sanggol online iimbestigahan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Viral post ng pagbebenta ng sanggol online iimbestigahan Viral post ng pagbebenta ng sanggol online iimbestigahan Reviewed by misfitgympal on Oktubre 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.