NOONG Huwebes (October 21, 2021) pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Chairman ng NationalTask Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagtungo sa Region IV-A o Quezon Region, upang bigyan diin ang mga programang pang-kaunlaran na ibinuhos doon upang wakasan ang paghahari-harian ng komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Kasama ni Pangulong Duterte si NTF-ELCAC Vice Chairman at National Secrurity Adviser Hermogenes Esperon Jr. upang matiyak ang pagpa-paunlad ng mga ‘conflict-affected’ at ‘geographically-isolated’ na mga barangay. Naantala ang matagal na sanang pag-iikot ng dalawang opisyal sa iba’t-ibang rehiyon dahil sa pandemiyang dinulot ng virus na Covid-19.
Bilang dating mayor, alam ng Pangulong Duterte kung papaano pamahalaan ang lokal na pamahalaan at siya ay natutuwa sa desisyong inilabas ng Korte Suprema na pumapayag itaas ang bahagi ng mga local goverment unit (LGUs) sa Internal Revenue Allotment (IRA). Ang IRA sa ngayon ay ibabase na sa lahat ng buwis na nakikolekta ng pamahalaang nasyunal na magreresulta sa mas malaking bahagi na, ang matatanggap.
Mangangahulugan na mas kapaki-pakinabang ito sa mga mamamayan, dahil tinatayang 45 porsiyento ang itataas ng IRA simula 2022.
At bilang taga-sulong ng kaunlaran para sa lahat ng LGUs, itinutulak din ng Pangulong Duterte ang lahat ng mga programang makakapag-taas ng antas ng kabuhayan ng kanyang mga kababayan. At para wakasan din ang problema sa insureksiyon, ayon kay Esperon, ginawa rin ng Pangulo na ipag-utos ang pagpapatupad ng mga programa na magaangat sa mga lugar na pinipeste ng mga komunistang-terorista gaya ng libreng pag-aaral sa mga mag-kokolehiyo, libreng patubig sa mga sakahan at mga komunidad, programang pangkalusugan para sa lahat at ang pinag-iging Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Maging ang Build Build Build Program, ay nagbigay daan sa pagbuti ng mga industriya at naka-likha ng mga trabaho para sa kanyang mga kababayan at nakuha ng Pangulong Duterte ang tiwala ng mga namumuhunan upang maglagak pa ng kanilang mga kapital dahil sa payapang kapaligiran sa mga kanayunan.
Ang mga ito, ayon kay Espeon ay ilan lamang sa mga maipapamana ni Pangulong Duterte sa bansa at sa mga mamamayan.
Ang sabi pa ng kalihim, sa larangan naman ng seguridad, ay talaga namang maipagmamalaki na ng Administrasyong Duterte na sa Region-IV-A ay tatatlo na lamang na mga Guerilla Fronts ang kanilang binabantayan, dalawa dito ay unti-unti pang napapahina ng mga tropa ng pamahalaan.
Sa Region IV-A, pa lamang, ay may 72 projects pa sa ilalim ng Barangay Develot Program (BDP) para sa 30 barangay na nalinis na sa pamemeste ng komunistang-terorista. Nakatanggap ang bawat barangay ng tig-P20 milyong piso upang gugulin sa mga proyektong sasagot sa mga pangangailangan ng kanilang barangay, gaya ng karagdagang gusali sa paaralan, patubig sa mga sakahan at pangkalusugan.
Para nga sa susunod na taon ng 2022, 31 pang mga barangay sa Region IV-A ang makatatanggap ng pondo sa BDP. Kabuuang 1,406 mga barangay pa sa buong bansa ay nakalinyang mabigyan ng pondo sa ilalim ng BDP sa 2022.
Kapag sama-sama talaga, nasyunal at lokal na pamahalaang nagkaka-isa katuwang ang iba’t iba pang ahensiya ng pamahalaan, matitiyak ang kaunlaran hanggang sa lebel ng barangay na siyang tumutukoy sa kanilang mga pangangailangan para maiibigay naman ng pamahalaan at ng Administrasyong Duterte. Sinisiguro ng NTF-ELCAC na walang maiiwang barangay lalo na yaong pinepeste ng mga komunistang-terorista.
The post Nag-iikot na ang Pangulo para sa kaunlaran appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: