INSPIRASYON SA BUHAY: “… walang kinikilingan ang Diyos…” (Roma 2:11, Ang Tanging Daan Bibliya).
-ooo-
PPCRV CHAIR DE VILLA, UMAANI NG BATIKOS SA PAHAYAG NIYANG “NON-PARTISAN, BUT NEVER NEUTRAL” ANG KANIYANG GRUPO: “Non-partisan, but never neutral.”
Walang kinakampihan, ngunit hindi kailanman pupuwedeng walang kinikilingan. Itong tila magkasalungat na pahayag na ito ay mula kay Founding Chairman Henrietta De Villa ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting, na kaniyang diniinan at ginawang tema ng kaniyang talumpati sa paggunita ng ika-tatlumpong taong anibersaryo ng PPCRV ngayong 2021 noong Martes, ika 19 ng Oktubre 2021.
Agad itong umani ng matitinding puna at batikos mula sa maraming mga grupo na ngayon ay nagtataguyod ng pagiging sagrado ng boto ng bawat botanteng Pilipiuno, lalo na sa paparating na Halalan 2022. Ayon sa mga grupong pumupuna sa pahayag ni De Villa, tila hindi nauunawaan ni De Villa ang kaniyang pahayag na ang PPCRV ay “non-partisan but never neutral.”
Kung sasabihing “non-partisan” ang isang tao o grupo, maliwanag na wala itong kinikilingan o kinakampihan sa anumang isyu, ayon sa mga netizens na naging bahagi ng palatuntunang “Sagrado ang boto ko” sa One Vote Our Hope Office online TV kaninang umaga, Oktubre 20, 2021.
-ooo-
PPCRV, NOON PA MAN AY HINDI “NON-PARTISAN” DAHIL ITO AY LAGING MAY KINAKAMPIHAN AT KINIKILINGAN: Dapat, kung non-partisan ang isang tao o grupo, wala din itong papaboran sa anumang paraan, pero kung sasabihin nitong ito ay “never neutral”, ibig sabihin mayroon itong kinakampihan, kaya naman maliwanag na magkaka-kontra ang kaniyang mga layunin at pagkilos, dagdag pa ng mga netizens. Hindi dapat pinaniniwalaan ang ganitong mga grupo, diin ng iba pang netizens.
Ayon kay Ms. Aileen Papin, isa sa mga hosts ng “Sagrado ang boto ko” program ng grupong One Vote Our Hope Movement, mukhang lito hindi na lamang si De Villa kundi pati na ang buong PPCRV sa papel nito sa mga halalan. Sabi ni Ms. Papin, “kung sinabi mong ikaw ay non-partisan, wala kang kinakampihan. Ngayon, kung sinasabi mong never neutral ka, may kinakampihan ka…”
Sa salitang ordinaryo para sa mga ordinaryong Pilipino, kung ang isang tao ay nagsasabing siya ay non-partisan, ang sinasabi niya ay wala siyang party, pero kung sasabihin naman niyang siya ay never neutral, mayroon siya talagang kakampihan sabi pa ni Ms. Papin.
Ipinaliwanag naman ni Atty. Melchor Magdamo, isang dating opisyal ng Commission on Elections na ng lumaon ay naging whistle-blower dahil ibinunyag nito ang anomalya sa poll body tungkol sa mga overpriced voters’ folders, talaga namang never naging neutral ang PPCRV dahil ito ay itinayo noong mga 1990s upang pigilan sana ang panalo ng namayapa ng si dating Senador Juan M. Flavier, ang naging kalihim sa Kagawaran ng Kalusugan sa panahon ng dating Pangulong Ramos.
-ooo-
MGA PILIPINO, DAPAT MAGSURING MABUTI SA MGA NAGPAPAPILI SA HALALAN 2022: Wala sa pagiging neutral ang PPCRV, dagdag pa ni Atty. Magdamo, dahil ito ay isang grupo na kumakampi sa mga naging kalaban ni Sen. Flavier sa pulitika. Niliwanag sa “Sagrado ang boto ko” program sa One Vote TV kanina na ayaw ng PPCRV na maging senador si Flavier dahil hindi ito isang Katoliko. Siya ay protestante mula sa United Methodist Church, paliwanag naman ni program host Pastor Jojo Gonzales.
Agad namang inihayag ng mga netizens na hindi dapat pinagkakalooban ng suporta kung ganoon din lamang ang layunin ng PPCRV sa mga halalan. Ang kailangan ngayon, dagdag ng mga ito, ay mga organisasyon o samahan, o maging mga indibiduwal, na ang layunin ay isulong sa mga botante ang paghahalal hindi ng kung sinong kandidato lamang.
Ang kailangan ay yun lamang mga kandidatong may maliwanag na plataporma kung papaano i-a-angat ang bayan mula sa kahirapan, kaguluhan, at kabiguang kanilang nararanasan sa ngayon.
Ayon kay Pastor Jojo Gonzales, kailangan ng matuto ng mga Pilipino na suriing mabuti ang mga kandidato upang tiyakin na yun lamang may integridad, sapat na unawa ng mga utos ng Diyos, may kakayahan sa pagganap ng mga tungkulin sa mga posisyong kanilang tinatakbuhan, at walang pagnanais na magkamal ng ilegal na yaman.
-ooo-
MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, https://ift.tt/3jq7483, https://ift.tt/2Vmhld1, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.
The post PPCRV: noon pa man ay mayroon ng kinikilingan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: