ANG huling ulat na inilabas ng United Nations hinggil sa human rights na naglalahad din ng mga pang-aabuso ng New People’s Army (NPA) ang magpapalakas sa pamahalaang Pilipinas sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na pag-ibayuhin pa ang kampanya nito laban sa mga komunistang-terorista.
Ipinahayag ito mismo ni Undersecretary Severo Catura, taga-pagsalita ng NTF-ELCAC sa larangan ng human rights, peace process at international engagement, sa isang ‘virtual forum’ kasama ang mga Filipino communities sa Europe.
Naipaliwanag ni Usec. Catura na ang mga pang-aabusong ito ng mga NPA ay kasama sa Oral Report of UN Office of High Commissioner for Human Rights (OHCHR) na isinulat ni Michelle Bachelet at ipinasa noong October 7 sa plenaryo ng 48th session ng UN Human Rights Council sa Geneva, Switzerland.
Sa report, isiniwalat ni Bachelet na nakatanggap ng impormasyon ang kanyang opisina ng mga pang-aabuso ng New People’s Army ng Communist Party of the Philippines, kabilang ang mga pagpatay sa mga sibilyan, pagrerecruit ng mga kabataan at pangingikil.
Ito ay sa kabila na nakapagtala ng 166 na mga bagong kaso ng paglabag ng NPA sa International Humanitarian Law (IHL) na isinumite naman noong October 19, 2021, ng Armed Forces of the Philippines’ Center for Law of Armed Conflict (AFP-CLOAC) sa Commission on Human Rights. Kabilang sa mga kaso ang pagrerecruit ng mga kabataan bilang mga ‘child combatants’, paninira ng mga ari-arian, paggamit ng anti-personnel mines (APM), at mga pagpatay.
Umabot na nga sa 1,672 insidente ng pagmamalabis ng NPA ang naitala mula pa noong 2010 hanggang sa taon na ito ang naiulat na rin ng AFP-CLOAC. Kasama rito ang 544 kaso ng pagdukot sa mga kabataan na pwersahang ginagamit ng NPA na kanilang mandirigma.
Kung tutuusin di na bago ang ulat ni Bachelet, dahil noong June 2020, ang kanyang ulat na ‘Situation of Human Rights in the Philippines,’ ay sinabi nitong totoong pwersahang nangunguha ng kabataan ang NPA para gawing mandirigma.
Ang mga ito ang naging dahilan para kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na itatag ang NTF-ELCAC upang tapusin ang mga pang-aabuso ng NPA. Ito rin ang dahilan ng US State Department sa Executive Order nitong 13224 na bansagan na ang CPP-NPA na mga terorista noong August 12, 2002. Pinangalanan pa nga nila si Jose Maria Sison na terorista at inilagay sa Specially Designated National and Blocked Persons List (SDN List) of the US Office of Foreign Assets Control.
Maging ang European Union, sa ilalim ng EU Council Implementing Regulation No. 138, noon lang February 5, 2021, ay binansagan na rin ang CPP-NPA bilang isang terrorist organizations. Wala naman talaga silang nagawang magaling. Kailangan ay malipul na natin ang mga ito.
The post UN report magpapalakas sa Pinas laban sa abuso ng NPA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: