Facebook

Ombudsman pinaaksyon sa kaso ni Santa Rosa Mayor Arcillas

NANAWAGAN ang grupo ng KAMAO ng Santa Rosa Incorporated sa office of the Ombudsman na aksyunan ang kanilang isinampang reklamo laban kay Santa Rosa, Laguna Mayor Arlene Arcillas at iba pang elected opisyal ng nasabing siyudad.

Sa liham na isinumite ng grupo kay Ombudsman Honorable Samuel Martines at Honorable Cornelio Somido, Deputy Ombudsman for Luzon, na ni-recieve nitong October 22, 2021, hiniling ng grupo kung ano na ang status ng kaso na kanilang isinampang Grave Abuse of Authority kay Arcillas at sa iba pang mga opisyal ng Santa Rosa City.

Ang hakbang na ito ng KAMAO, bunsod na rin sa mga post na mga dokumento sa official page ng Santa Rosa nito lamang October 14, 2021, na nagsesertipika na si Arcillas ay walang kasong anumang administratibo o criminal case sa Ombudsman kung saan nakapirma si Atty Czarina May Altes Domingo, Graft Investigation officer na may petsang August 31, 2021.

Sa isang pang dokumento na may letter head ng Ombudsman na pinost noong September 9, 2021, mayroon umanong kaso sa nasabing opisina si Arcillas na may docket number na OMB-L-A-21-2015 at may transmittal order na petsang July 30, 2021 na naka-adressed kay DILG Secretary Eduardo Año subalit lumalabas na wala ito sa record sa OMB-L-A-21-2015 at hindi ito inisyu ng nasabing ahensya.

Isa pang lumabas na dokumento sa FB page noong August 9, 2021 na i-pinost ng isang Ezra Rombais na may transmittal Order na petsang July 31 na naka-adressed din kay Año sinuspinde umano si Mayor Arcillas ng walong buwan kung saan nakapirma si Director Joaquin Salazar ngunit hindi malaman kung saan nakuha o nagmula ang naturang papel.

Dahil sa mga naglabasan sa social media kung kaya’t agad na nagsumite ng liham ang KAMAO sa Ombudsman upang alamin ko ano na ang development sa kaso ng kanilang isinampa laban kay Mayor Arcillas.

Hinala kasi ng grupo na posibleng pinagkakitaan o mayroong mga opisyal ng Ombudsman na kumita sanhi upang maglabasan ang mga ganitong dokumento na nagmula umano sa nasabing ahensya.

Samantala, pinaalala naman ng KAMAO ang mga kasong nakabinbin sa Ombudsman na may mga docket number na FF-L-16-3103, case SALN, FF-L-160379, RA 3019 o graft and corruption, I-C-OL-18-0985, Perjury, I-C-OL-19-0010, Gross Neglect of Duty, I-C-OL-18-1601, RA6713.

Kasabay nito, umapela naman ang grupo sa Ombudsman na isailalim sa preventive suspension si Arcillas upang hindi magamit ang posisyon nito na sirain ang mga ebidensya, pakialaman ang mga records at hindi magamit ang pera ng mga taxpayer para matakasan nito ang responsibilidad sa ginawang paglabag sa batas.

The post Ombudsman pinaaksyon sa kaso ni Santa Rosa Mayor Arcillas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ombudsman pinaaksyon sa kaso ni Santa Rosa Mayor Arcillas Ombudsman pinaaksyon sa kaso ni Santa Rosa Mayor Arcillas Reviewed by misfitgympal on Oktubre 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.