Facebook

2 Customs employees timbog sa kotong

DALAWANG empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na nakatalaga sa Formal Entry Division (FED/Assessment) ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng BOC Intelligence Group (IG) at Special Project Team (SPT) ng National Bureau of Imverstigation (NBI) sa entrapment operation sa Maynila nitong Martes.

Inaresto habang tinatanggap ang marked money na inihanda ng NBI sina Zosimo ‘Sonny’ Escover Bello, principal appraiser ng Section 8, FED-POM; at kanyang Customs examiner na si Salvador ‘Bong’ Verga Seletaria Jr..

Napag-alaman na 6:00 ng gabi nang maaresto ang dalawa habang kumakain kasama ang complainant sa Harbor View Restaurant sa Ermita, Maynila. Dinakip sila ng NBI undercover at Customs agents habang hawak nila ang marked money na iniabot ng complainant.

Isinagawa ang entrapment matapos magreklamo ang importer ng machine products kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero na hinihingan ito ng P300,000 kapalit ng pagpapalabas ng kanyang shipment ng injection pumps.

Agad namang pinakilos ni Guerrero si Deputy Commissioner for Intelligence (DCI) Raniel Ramiro upang imbestigahan ang nasabing alegasyon .

Nakipagpulong si Ramiro sa complainant , ilang oras bago ang entrapment na ikinasa kasama si Atty. Emeterio Dongallo Jr., pinuno ng SPT-NBI, na nagresulta ng pagkakadakip kina Bello at Seletaria.

Pinaalalahanan naman ni Atty. Vincent Maronilla, BOC spokesperson, ang iba pang kawani at opisyal ng BOC na magsilbing babala ang pagkakaaresto nina Bello at Seletaria.

“These kinds of operations shall continue as we move forward to our transformation journey,” pahayag ni Maronilla.(Jocelyn Domenden)

The post 2 Customs employees timbog sa kotong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 Customs employees timbog sa kotong 2 Customs employees timbog sa kotong Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.