Facebook

2 patay sa banggaan ng pick up at motorsiklo

CAMARINES NORTE – Patay ang dalawa katao sa banggaan ng pick up at motorsiklo sa Purok 6, Barangay San Felipe sa bayan ng Basud dito sa lalawigan Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jan Blue Jay Hillera, driver ng motorsiklo; at angkas nitong si Francisco Derez, 71, kapwa residente ng Purok 3 , Barangay Plaridel sa naturang bayan.

Sa ulat, habang binabaybay ng pick up na minamaneho ng isang nagngangalang Alberto Albao y Samonte, 39, ng Barangay Pambuhan, Mercedes ang kahabaan ng Maharlika Highway mula Barangay Tuaca patungong sentro ng Basud nang aksidenteng sinalpok nito ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Hillera.

Nagtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang driver at angkas ng motorsiklo na dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital pero ideneklarang dead on arrival ng doktor.

The post 2 patay sa banggaan ng pick up at motorsiklo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 patay sa banggaan ng pick up at motorsiklo 2 patay sa banggaan ng pick up at motorsiklo Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.