Facebook

Utol ng lider ng Concepcion criminal group at bodyguard patay sa engkwentro

PATAY ang kapatid ng lider ng Concepcion Criminal Group at sub leader body guard nito nang maka-engkwentro ang mga otoridad sa operation sa General Trias City, Cavite.

Kinilala ang napatay na sina Emmanuel Saysay Concepcion alias “Aga”, kapatid ng lider ng Concepcion Criminal Group na si Gilbert at sub leader ng grupo; at bodyguard nito na si Julius Saysay, kapwa taga Cliffwood Subd, Governor Hills, Brgy. Biclatan, Gen. Trias City.

Ayon kay Brig. General Jonnel Estomo, director ng PRO5, 3:30 ng madaling araw nang magsagawa ng operation ang pinagsanib na elemento ng PRO5 Intelligence Division-Regional Special Operation Unit, National Bureau of Imbestigation -PRO5 at Gen. Trias Police Station sa Cliffwood Subd.

Isinagawa ang operasyon base sa Warrant of Arrest sa kasong murder at rape laban kay Gilbert Concepcion at murder at illegal possession of firearms laban kay Emmanuel.

Binuo ang Concepcion Criminal Group ni Gilbert noong 2010 na resposanble sa Robbery, Extortion, Gun for Hire, at Gun running na nag ooperate sa Bicol Region, Calabarzon at Metro Manila.

Dating NPA si Gilbert na nagbalik loob sa Pamahalaan at naging asset ng militar at naging sundalo noong 2004. Na-dismiss siya sa serbisyo noong 2010 at binuo ang criminal group. (Mark Obleada)

The post Utol ng lider ng Concepcion criminal group at bodyguard patay sa engkwentro appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Utol ng lider ng Concepcion criminal group at bodyguard patay sa engkwentro Utol ng lider ng Concepcion criminal group at bodyguard patay sa engkwentro Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.