Facebook

Pinatay na 3 babaeng kandidato sa Sorsogon pawang sa ulo ang tama

LEGAZPI CITY – Lumabas sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na pinatay ang tatlong babaeng kandidato sa pagka-konsehal ng Donsol, Sorsogon sa pamamagitan ng “execution” sa Barangay Busay, Daraga, Albay.

Ayon kay Police Colonel James Belgira, medico legal officer ng SOCO at assistant chief ng Regional Crime Laboratory, nakita sa otopsiya na pawang “headshot” ang tinamo ng tatlong biktima na indikasyon na wala talagang balak buhayin ang mga ito.

Tatlong basyo ng bala ng 9mm na baril ang narekober sa crime scene, subali’t hindi nakita ang ginamit na firearm.

Ayon kay Belgira, malaki ang posibilidad na pinatay ang mga biktima sa mismong paupahang establisyimento kungsaan nadiskubre ang katawan ng mga ito.

Aniya, posibleng ginamitan ng “silencer” ang baril kung kaya walang narinig na putok ang mga kalapit na residente.

Sinabi pa ni Belgira na mayroong pagitan na dalawa hanggang tatlong oras ang pagpatay sa bawat biktima na mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon ng Nobyembre 11 base sa estado ng katawan ng mga ito.

Samantala, sinabi ni Police Regional Office-5 Director B/Gen. Jonnel Estomo na kanila nang itinuturing na “solved” ang murder case nang kumpirmahin na ang dating whistleblower na si Peter Joemel Advincula alyas ”Bikoy” ang responsable sa pagpatay sa tatlong personalidad.

The post Pinatay na 3 babaeng kandidato sa Sorsogon pawang sa ulo ang tama appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pinatay na 3 babaeng kandidato sa Sorsogon pawang sa ulo ang tama Pinatay na 3 babaeng kandidato sa Sorsogon pawang sa ulo ang tama Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.