Facebook

Babaeng opisyal ng CPP-NPA-NDF na may P5m sa ulo timbog

ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang mataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF.

Kinilala ang naaresto na si Solome Crisostomo, 64 anyos.

Ayon kay PNP Chief, Lt. General Dionardo Carlos, nahuli si Crisostomo 10:00 ng umaga nitong Linggo sa Barangay Mabolo, Malolos City, Bulacan.

Sa report, hinuli si Crisostomo ng pinagsanib na pwersa ng NCRPO, Police Regional Office 3, Police Regional Office 4A at Special Action Batallion sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rebellion.

Sangkot umano si Crisostomo sa mga pangugulo sa mga komunidad ng CALABARZON at itinuturo ring nasa likod sa ambush ng mga pulis sa Quezon province noong 2005.

Dahil naman sa katandaan, sinabi ni Carlos na binigyan nila ng nurse si Crisostomo para i-monitor ang kanyang kondisyon.

Sa rekord ng PNP, si Crisostomo-Ujano ay miyembro ng Technical Staff sa ilalim ng Kilusan sa Larangang Guerilla (KLG) Luzon/Mayon ng Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) at miyembro ng Kangaroo Court.(MARK OBLEADA)

The post Babaeng opisyal ng CPP-NPA-NDF na may P5m sa ulo timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Babaeng opisyal ng CPP-NPA-NDF na may P5m sa ulo timbog Babaeng opisyal ng CPP-NPA-NDF na may P5m sa ulo timbog Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.