Facebook

MAG-UTOL NA PHARMA EXECS HULI SA DAVAO!

MATAPOS ang halos isang buwan na paghahanap, nadakip din ang magkapatid na executives ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa Davao City, Linggo ng hapon.

Sa ulat, 5:00 ng hapon nang madakip sina Twinkle at Mohit Dargani ng mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant At Arms (OSAA) sa Davao International Airport.

Ayon kay Senate Sergeant At Arms General Rene Samonte (retired), pasakay ang magkapatid sa pampribadong eroplano patungong Kuala Lumpur, Malaysia nang arestuhin.

Agad silang inilipad pabalik ng Maynila at nakadetine ngayon sa Senado sa Pasay City.

Si Twinkle ang pangulo at si Mohit ang kalihim at treasurer ng Pharmally.

Iniimbestigahan ang kompanya sa Senado dahil sa maanomalyang kontrata sa kompanya ng gobyerno sa pagbili ng mga kagamitan gaya ng face shield na umabot sa higit P8 bilyon gayung ang kapital ng kompanya ay higit kalahating milyong piso lamang at bagong tayo palang.

Na-cite ng contempt ang magkapatid dahil sa pagtangging ipasa ang mga dokumento ng kompanya na na-subpoena ng Blue Ribbon Committee.

Pero iginiit noon ni Mohit na desisyon ito ng kompanya at hindi nila.

Samantala, nabigo ang OSAA na maaresto si dating budget Usec. Christopher Lao nang puntahan nila ang mga sinasabing tirahan niya sa Cebu City at Davao City.

Tinanggap ng isang babae ang arrest order nang ihain sa condominium unit sa Cebu City noong Biyernes. Sinabi ng babae na hindi na nakatira roon si Lao at ipinarerenta na sa iba.

Wala namang tao sa tinuturong bahay ni Lao sa isang subdivision sa Maa, Davao City na pinuntahan nitong Sabado.

Pero nakakuha ang OSAA ng certification mula sa real estate company na nakarehistro kay Lao at pagmamay-ari ni Lao.

May hinaharap ding contempt charges dahil sa hindi pagsipot sa Senado si Lao, ang may hawak noon ng DBM Procurement Service at dating staff ni presidential aspirant Senador Bong Go.

The post MAG-UTOL NA PHARMA EXECS HULI SA DAVAO! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAG-UTOL NA PHARMA EXECS HULI SA DAVAO! MAG-UTOL NA PHARMA EXECS HULI SA DAVAO! Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.