Facebook

Anak ng kongresista at caretaker pinatay ng kostumer

PATAY ang anak ni Cagayan de Oro 1st District Representative Rolando Klarex Uy at ang caretaker ng kanilang negosyo nang barilin sa Barangay Pagatpat, Cagayan de Oro City, Huwebes ng hapon.

Dead on the spot sina Roland Sherwin Uy, 45 anyos, kasalukuyang Brgy. Kagawad at residente ng Zone 6, Gumamela Ext.; at Samuel Pabalan, 73, ng Zone 10, Zayas Upper Carmen at caretaker ng quarry site ng mga Uy.

Sa ulat, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang mata si Roland Sherwin habang sa kanang mata naman si Pabalan.

Ayon kay Police Major Jerson Boja Estanilla, naganap ang insidente 1:05 ng tanghali sa Zone 1, Brgy. Patgatpa.

Ayon sa pahayag ng driver na si Rubie Alayuay, nasa banyo siya nang marinig ang usapan ni Roland Sherwin at ng isang lalaki na bumibili ng buhangin.

Subali’t makaraan ang ilang minuto, nakarinig na lamang ito ng mga putok at hindi na siya lumabas ng banyo dahil sa takot.

At nang marinig niyang umalis ang isang motorsiklo, doon lang niya sinilip kung ano ang nangyari sa labas.

Nagsasagawa pa ng follow up operations ang pulisya upang malaman ang motibo at pagkakakilanlan ng salarin.

The post Anak ng kongresista at caretaker pinatay ng kostumer appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Anak ng kongresista at caretaker pinatay ng kostumer Anak ng kongresista at caretaker pinatay ng kostumer Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.