Political language . . . is designed to make lies sound truthful and murder respectable, and to give an appearance of solidity to pure wind. — English novelist George Orwell
PASAKALYE:
Text message . . .
Info./Report! May ilang senior citizens pa ng Barangay Antipona sa Bocaue, Bulacan ang hindi nakakatanggap o nakakakuha ng kanilang mga social pension magpahanggang sa ngayong matatapos na ang buwan ng Oktubre. Sa nabanggit na barangay, sa ngayon ay wala silang magawa kundi pansamantalang ngumanganga at mamuti ang kanilang mga mata (lolo at lola) habang hinihintay at itinatanong sa kanilang mga sarili kung mayroon pa nga ba silang aasahan o makukuhang social pension from DSWD Region 3. Halos kapos at kulang na kulang na sila ng pambili ng gamot at vitamins, para sa kanilang maintenance, pambili ng pampers, partikular na iyong mga kawawang lolo at lola na pawang mga ‘bedridden’ na. Masuiwerteng masasabi kung aabutin pa nila ang kanilang kaarawan sa darating o susunod pang mga taon. God Bless, Salamat po. — Concerned Citizen, Bocaue, Bulacan (+639556015…)
* * *
AYON kay dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang disqualification case na isnampa laban sa kanya ay isa lang inaasahang ‘nuisance’ na ikinasa ng kanyang mga kritiko dahil na rin sa umaani ngayon ng malakas na suporta ang kanyang pagtakbo bilang president sa nalalapit na halalan sa susunod na taon sa Mayo.
Subalit ilang mga grupo, na ang karamihan ay mga pamilya at kamaganakan at mga biktima na rin ng martial law noong panahon ng yumaong pangulong Ferdinand Edralin Marcos, ay umaasa pa ring diringgin ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang panbawagan na diskiuwalipikahin ang dating senador na natalo sa kanyang tangkang maging pangalawang pangulo noong 2016.
Binanggit din ng mga kritiko ni Marcos Jr. ang kanyang criminal conviction sa isang tax case may 26 na taon na ang nakalipas bilang dahilan din para sa kanyang diskuwalipikasyon.
Sa kanilang petisyon, sinabi ng mga grupong kumakatawan sa mga political detainee at human rights at health rights advocate na lumaban sa diktaturya nu Marcos dictatorship noong dekada 70 hanggang 80 na ang anak ng yumaong strongman na hindi makatotohanan ang alegasyon nito sa kanyang certificate of candidacy (CoC) na siya ay eligible para tumakbong presidente “dahil siya ay nahatulan (sa nasabing revenue infringement)” at hindi napatawan ng parusa para sa krimen ng ‘moral turpitude’ na hinhatulan ng 18 buwang pagkabilanggo.
Sa opisyal na pahayag, isinantabi ng kampo ni Marcos ang disqualification case para tawagin itong isang “predictable nuisance” na isinampa laban sa dating senador.
Tinukoy ng tagapagsalita ni Marcos Jr. na si Atty. Victor Rodriguez na ang petsiyon ay ‘black propaganda’ na kanila rin namang sasagutin sa tamang panahon at lugar at gagawin ito kapag natanggap na nila ang opisyal na kopya ng kasong inihain sa Comelec.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
The post Ayaw kay Bongbong appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: