Facebook

Ari-arian ng drug lords target ng PDEA at AMLC!

HIGIT na pinagtutuunan ngayon ng LAW ENFORCERS ang pagkumpiska sa ari-arian ng DRUG LORDS sa ating bansa bilang pagsugpo sa operasyon ng iba’t ibang DRUG SYNDICATE.

Ang hakbang na ito ay bunsod sa pagtutuwangan ng PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) at ng ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL (AMLC) na tututok at tutunton sa lahat ng taglay na yaman ng mga naghahari sa sirkulo ng illegal drugs.

Nitong November 4, 2021 ay pormal na tinanggap ng PDEA ang DEPUTATION ORDERS para sa binuong FINANCIAL INVESTIGATORS ng kanilang ahensiya na ginanap sa QUEZON CITY PDEA NATIONAL HEADQUARTERS.

Ang FINANCIAL INVESTIGATORS ng PDEA katuwang ang AMLC ay naglalayong mabuwag ang DRUG MONEY LAUNDERING NETWORKS.., na maging ang ilang mga POLITICIANS ay nakikinabang sa pondong kanilang nababahagi; o ang ilang mga POLITICIAN ay ang mga ito mismo ang DRUG LORDS kung kaya namamayagpag pa rin ang ILLEGAL DRUGS sa ating bansa.

Binubuo ng PDEA PERSONNEL ang DEPUTIZED ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL FINANCIAL INVESTIGATORS (DAFI) na tututok sa pagsisiyasat ng financial instruments tulad ng bank accounts at insurance policies na pinaggagamitan ng DRUG MONEY.

Karaniwang isinasagawa ng AMLC ang FINANCIAL INVESTIGATIONS sa mga kahinahinalang transaksiyon, money laundering, terrorism financing (TF) activities, at mga paglabag sa Anti-Money Laundering Act of 2001 (AMLA).

Sa pagtutuwangan ng PDEA at AMLC ay mahigit sa P2 bilyong halaga ng mga ari-arian ng mga suspected drug personalities mula taong 2011 hanggang 2018 ang nasamsam.

Noong 2017, ang PDEA at AMLC ay naisagawa nilang i-freeze ang humigit-kumulang 160 accounts at insurance policies sa 16 banks and 3 iba pang financial institutions na ginagamit ni convicted DRUG LORD PETER CO at kaniyang mga kasamahan sa umano’y pagmamaniobra sa mahigit P19 bilyon transactions sa deka-dekadang taon ng illegal drug operations.

Nitong September, 2021 ay nakamit ng PDEA at AMLC ang FREEZE ORDERS sa mga ari-arian ng DRUG PERSONALITIES na sina JULIE HAO GAMBOA, mag-asawang RUBEN at TERESITA TAGUBA na konektado sa smuggling ng hundred thousands ng shabu. Ang FREEZE ORDER ay kinapapalooban ng 173 bank at credit accounts, insurance policies, 17 real properties at 5 motor vehicles na pagmamay-ari ng mga nabanggit na DRUG LORDS.

Mga ka-ARYA.., ang pagkakatalaga ng PDEA OFFICERS bilang AMLC FINANCIAL INVESTIGATORS ang pinakabagong mekanismo na idinesenyo para masugpo ang daloy mula sa benta ng illegal drugs…, na inaasahang tuluyang masusupil ang ILLEGAL DRUG OPERATIONS sa ating bansa.., yan e kung wala nang magsisilbing hudas sa hanay ng ating GOVERNMENT OFFICIALS na siguradong ta-trabahuin ito ni PDEA DIRECTOR GENERAL WILKINS VILLANUEVA para sa sinserong paglupig sa pamamayagpag ng mga TIWALING OPISYALES sa ating bansa!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Ari-arian ng drug lords target ng PDEA at AMLC! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ari-arian ng drug lords target ng PDEA at AMLC! Ari-arian ng drug lords target ng PDEA at AMLC! Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.