Facebook

Bea-Lloydie ‘di na maididirek ng peyborit direktor na si Cathy Molina; Angel binebenta na ang malaking bahay sa Kyusi

Ni JOVI LLOZA

KILALA si Direk Cathy Molina na isang bating na direktor at halos lahat ng film nito ay blockbusters.

Kaya naman nung isyung paglipat nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ay natanong kung may nakabinbin pang proyekto ang dalawa na di na natuloy.

Dahil sa iba’t ibang rason ay di na nga natuloy pa ang movie sana nina Bea at Lloydie sa Star Cinema na may titulong No Goodbye.

Nag-babu na nga at imposible na maidirek pa sila ng mahusay na direktor.

Puwede pa naman kapag sa Star Cinema at knows naman na exclusive si Direk Cathy Molina sa Star Cinema.

Dahil lumipat na pareho sa Kapuso sina Bea at Lloydie, malabo nang maidirek pa sila ni Direk Cathy.

Ewan nga lang daw natin kung magklik at may magic pa ang tambalan pag naidirek ng ibang direktor.

At sino naman kaya ang pantapat ng GMA-7 sa kagaya ni Direk Cathy? Hmmmp!?

***

KAHIT si Angel Locsin ay nagbebenta na rin ng bahay na nasa exclusive village sa Quezon City.

Naka-advertise naman kasi sa kanyang FB ang pagbebenta nito ng kanyang bahay.

Sa panahon kasi ngayon ay parang di na ubra or praktikal ang malalaking bahay.

Gaya ni James Reid na nagbebenta na ng bahay sa Kyusi na ibinagsak presyo na nito.

Di naman matukoy or wala naman nakasaad na presyo sa advertise ni Angel sa kanyang socmed kung magkano nito ibinebenta ang kanyang bahay na doon nakatira ang kanyang father dear.

Ewan lang natin kung doon pa rin ito nakatira matapos gumaling sa Covid.

Aanhin naman ni Angel ang ganun kalaki na bahay ngayong nag-asawa na ito na mayroon ding sariling ari-arian, si Neil Arce, of course.

Sayang din naman ang bahay na napakalaki na walang nakatira at natetengga lang at good choice nga na ibenta na lang.

Well, well, well…’Yun na!

The post Bea-Lloydie ‘di na maididirek ng peyborit direktor na si Cathy Molina; Angel binebenta na ang malaking bahay sa Kyusi appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bea-Lloydie ‘di na maididirek ng peyborit direktor na si Cathy Molina; Angel binebenta na ang malaking bahay sa Kyusi Bea-Lloydie ‘di na maididirek ng peyborit direktor na si Cathy Molina; Angel binebenta na ang malaking bahay sa Kyusi Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.