Facebook

Pornstar 2 (Pangalawang Putok) 8x na daring at katatawanan; Rosanna hanga sa newbie stars

Ni PETER S. LEDESMA

HINDI galing sa club o kung saan lang pinulot ng Viva ang mga newbie stars na sina Sab Aggabao, Ayanna Misola, Cara Gonzales, at Stephanie Raz na ipinakilala sa Pornstar 2 (Pangalawang Putok) kasama ang mga original na bidang legend stars na sina Rosanna Roces, Alma Moreno, Maui Taylor, at Ara Mina.

Yes, galing sa mga disenteng pamilya ang apat na newbie stars ng Viva na pare-parehong popular sa social media.

Pero dito sa kanilang pelikula ay mas daring at palaban ang apat kumpara sa mga baguhang ipinakilala sa Pornstar 1 kabilang ang sikat na ngayong si AJ Raval.

Yes, mas 8x na daring at katatawanan ang Pornstar 2 ni Direk Darryl Yap. Shock nga si Direk Darryl kina Sab, Ayanna, Cara, at Stephanie at ayaw magtakip ng katawan ang mga ito na rumarampa habang hindi pa sila take. Katuwiran daw ng mga baguhang sexy stars e, bakit pa sila magsusuot ng wrobe e, kapag nasa harap na sila ng camera ay maghuhubad din naman.

Saka pawang tao lang naman daw ang nakikita nila sa set. Infairness, parehong pinuri nina Osang at Ness ang acting ng mga nasabing newbie stars at malayo raw ang mararating ng mga ito.

“Sobrang sipag nila, sobrang walang arte. Malayong-malayo sa attitude namin noong araw,” say pa ng Bff naming si Osang.

Isa pa sa bagong mapapanood sa Pornstar 2 ay ‘yung Filipiniana outfit ng buong cast na wala silang paki kung sila ay ma-bash dahil ‘yun daw ang motif ng kanilang film. Tiyak na patok na naman ang Pornstar 2 at ‘yung official trailer nito ay in just 6 days ay pumalo na sa 9.1 million views. Congrats!

***

International Singer JC Garcia, Susuportahan Si BBM

Sa kanyang online TV show na “JC Garcia Live” last Sunday sa BEST TV 31 ATC INTERNATIONAL, inihayag na ng international singer-concert performer-dancer na si JC Garcia kung sino ang susuportahan niya at ibobotong Presidente sa 2022 National Election.

Ito ay si BBM o Bongbong Marcos pero pagkaklaro pa niya sa kanyang fans and viewers ay hindi siya Marcos loyalist kahit na naabutan na niya ang rehimeng Marcos noong 1965 na madalas daw sila sa Malacanang ng late actor dad na si Bino Garcia para mag-entertain.

“I met Bongbong and Madam Imelda in person at pareho silang mabait. Hanga ako sa Marcos government at maraming nagawa si Presidente Marcos at napakarami niyang naipatayo na napapakinabangan pa rin hanggang ngayon ng ating mga kababayan. Nariyan ang Heart Center, Lung Center, PICC, CCP, at si President Marcos rin ang nagsimula ng LRT.”

“So for me kahit marami akong nadidinig dito sa mga kababayan natin sa States na kasiraan sa mga Marcos, still I will vote for Bongbong as my president,” buong ningning na sabi ni JC na sinang-ayunan naman ng mga maka-Marcos.

***

Filmmaker Reyno Oposa Parami Nang Parami Ang Alaga, Hunk Model Na Si Rob Miranda New Addition Sa Collabros Artists

Bukod sa DisiOtso lead actor na si Alquin Gaddi at Lala Lopez ay may new addition na naman sa Collabros Artists ni Direk Reyno Oposa at siya ay si Rob Miranda na popular sa Tiktok na isang hunk model na lumalabas din sa mga teleserye. May inihahandang project si Direk Reyno, na isasama niya sa cast si Rob. Swerte ng nasabing newcomer lalo’t maraming pelikulang gagawin ang Ros Film Productions na movie outfit ni Oposa sa 2022.

By the way, nag-location hunting na pala ang production staff ni Direk Reyno para sa upcoming big movie project na “Claver:Island Of Promise” at may nakita na silang lugar na kanilang pagso-shootingan soon. Ito ay ang magandang resort na pag-aari ng cousin ng kaibigan naming director na si Capt. Noel Sulapas Valenzuela-Oposa at nagka-chikahan ang dalawa para sa virtual ocular ng Claver movie na may kasamang malaking artista.

The post Pornstar 2 (Pangalawang Putok) 8x na daring at katatawanan; Rosanna hanga sa newbie stars appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pornstar 2 (Pangalawang Putok) 8x na daring at katatawanan; Rosanna hanga sa newbie stars Pornstar 2 (Pangalawang Putok) 8x na daring at katatawanan; Rosanna hanga sa newbie stars Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.