Facebook

Bgy. Chairman, nakuhanan ng P68k shabu

Arestado ang Barangay Chairman sa isang buy-bust sa Brgy, Banuang Gurang sa bayan ng Donsol, Sorsogon.

Kinilala ang suspek na si Constantino Canon Cadag alias ‘Concon,’ 42-anyos, Kapitan ng Brgy. Banuang Gurang, may asawa at naninirahan sa nasabing lugar.

Sa ulat, 5:00 ng hapon noong Huwebes, nagsagawa ng drug buy-bust operation ang puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Sorsogon Police Provincial Office bilang lead unit, PDEA-Sorsogon, Reg’l Drug Enforcement Unit 5 Team Sorsogon at ng Donsol Police na nagresulta sa pagkaaresto kay Cadag.

Nasamsam sa suspek ang apat na sachet ng shabu na tumitimbang ng 10 gramos at nagkakahalaga sa ‘drug market’ ng P68,000.00.

Nabatid na kasama si Cadag sa Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs.

Nahaharap si Cadag sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

The post Bgy. Chairman, nakuhanan ng P68k shabu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. Chairman, nakuhanan ng P68k shabu Bgy. Chairman, nakuhanan ng P68k shabu Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.