
INIHAIN na ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang pagkandidatura bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon 2022.
Habang sa bise presidente naman tatakbo si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon na rin kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
Samantala, hindi pa naman naghain ng kandidatura si Pangulong Duterte.
“Babalik ang Presidente sa Monday para mag-file ng kandidatura sa pagkabise presidente,” saad ni Andanar sa Comelec.
Itinakda ang deadline ng withdrawal at substitution sa national at local election aspirants sa Nobyembre 15, 2021.
Kung sakaling itutuloy ni Pangulong Duterte, makasasagupa nito ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na naunang naghain ng COC sa pagka-VP sa ilalim ng Lakas-CMD.
The post Bong Go tatakbong Presidente; Digong kumasa sa pagka-VP appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: