Facebook

Dalagita patay sa napikong sundalo

Patay ang isang dalagitan at isa ang sugatan nang tamaan ng bala nang mamaril ang sundalo sa kanyang kainuman Huwebes ng hapon sa Negros Occidental.

Binawian ng buhay ng idating sa ospital ang 15-anyos na dalagita habang ginagamot naman ang sugatan na si Felix Estomo, kapwa residente sa Barangay 1, Kabankalan City, Negros Occidental.

Nadakip naman ang salarin na si Sgt. Lito Valdevieso, miyembro ng 94th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Sa report ng Kabankalan Police Station, bago ang insidente nag-iinuman sina Valdevieso at ama ng dalagita na si John Padernal sa bahay ng huli.

Habang nasa gitna ng inuman dumating ang kanilang kapitbahay na si Felix Estomo at sumali sa inuman.

Dito, inungkat ni Estomo ang trabaho ni Valdevieso na ikinagalit ng huli at agad binunot ang dalang .45 caliber pistol at binaril si Estomo.

Mabilis na nakatakbo si Estomo pero tinamaan pa rin ito sa balikat subali’t lumusot ang bala sa dibdib ng dalagita na nakaupo lamang sa tricycle sa labas ng kanilang bahay.

Nahaharap ngayon sa kasong homicide at frustrated homicide si Valdevieso.

The post Dalagita patay sa napikong sundalo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dalagita patay sa napikong sundalo Dalagita patay sa napikong sundalo Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.