ITUTULOY-TULOY ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang “Build, Build, Build” program ng administrasyong Duterte kung siya ang magiging pangulo.
“I will continue the “Build, Build, Build “ program of this administration,” sabi Yorme Isko, bukod sa mga kalsada at flyover, magtatayo siya ng mga ospital, gusaling paaralan at maraming pabahay sa karaniwang mamamayan.
Ipinangako ito ni Isko sa paglulunsad kamakailan ng “Ako si Isko – Volunteers Day” sa Quezon Memorial Circle.
Sa Maynila, nagtayo ng maraming pabahay sa mahihirap si Isko, pati na ang modernong eskuwelahan, world class hospital tulad ng COVID-19 Field Hospital in Quirino Grandstand at ang malapit nang makumpletong 10-storey New Ospital ng Maynila.
“Ang pangarap ko ay ang pangarap niyo. Ang nais ko ay ang nais niyo,” na tinutukoy ang pabahay, edukasyon, kalusugan na pangunahing kailangan at pananagutan ng pamahalaan na kalakip sa “Bilis Kilos” 10-point agenda ni Yorme Isko.
Ang mga ito, paliwanag ni Yorme ay laging alalahanin ng ordinaryong Pilipino.
“Ito ay laban ng ordinaryong Pilipino kung saan araw-araw ay may pangamba siya. Kung may may bahay pa siya. Kung kasya ba ang dalang pera para pamasahe. Kung may kakainin pa ba siya sa kinabukasan.Yan ang tunay na araw araw na pangamba ng tao,” sabi ng alkalde.
Ang kapakanan, kagalingan ng bawat isang Pilipino ang prinsipyo ng totoong serbisyo na gumagabay kay Yorme Isko sa loob ng may 23 taon niya bilang lingkod-bayan.
Mahalaga, aniya, kung paano palalakasin ang kinabukasan ng bansa.
“…But for now, tao muna. Murang bilihin, may trabaho, may eskwelahan, may bahay, panatag ang buhay. Dahil may kakayanang itinatag ang pangalan para tugunan ‘yung usaping pangkalusugan ng bawat Pilipino,” sabi ni Yorme Isko.
Ibinida niya si Dr. Willie Ong na katiket niyang bise presidente na siyang tutulong sa kanya na mapahalagahan ang buhay at kabuhayan.
“… Kaya kinuha kong running mate ay isang duktor. Si Dr. Willie Ong na doktor ng bayan. Doktor na may malasakit sa buong bansa,” sabi ni Isko.
Kasama sa pagtitipon ng iba-ibang “Ako Si Isko volunteer group” si Dr. Ong, kandidatong senador Samira Gutoc, dating konsehal ng Quezon City Jopet Sison at entrepreneur Dr. Carl Balita.
Pinangunahan ni dating Transport Undersecretary at MMDA General Manager Tim Orbos at dating opisyal ng gobyerno, Atty. Raoul Creencia ang tropa ng mga boluntaryong “Ako Si Isko.”
Pinasalamatan ni Yorme Isko si Quezon City Mayor Joy Belmonte at ang iba pang boluntaryong sumusuporta sa kanyang kandidatura tulad ng Ateneo Lawyers for Isko, Isko Moreno Lawyers and Volunteers, Pilipinas God First, Isko Nation, Ranao God First Movement, One Muslim Heart for Isko, BCOBAR or the Bangsamoro Communities Outside BARMM for Isko, Pilipinas God First BARMM, Samahan ng Kuya Agila para kay Isko, Marawi, IDPS; and Bilos Kilos Pinay, Ilaw at Sandigan ng Kabataang Organisado, Integrated Media for Yorme, Tahanan ng Alumni of Tondo High School, Puso ng Maynila, Pledge of allegiance by; Inisyatibo ng Makabagong Pilipino (IMP), Noypi for Yorme, ISKQC (Isko Kami sa Quezon City), Isko Northern Alliance, Isko Tarlac City and Isko Mexico, Pampanga.
The post BUILD, BUILD, BUILD PROGRAM, ITUTULOY NI ISKO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: