HINDI na bawal ang carolling sa Maynila, pero hindi ito nirerekomenda ni Manila Mayor Isko Moreno dahil ito ay isang super spreader activity na kung saan mga kabataan at bata ang siyang gumagawa na itinuturing bilang mga high risk individuals sa iCOVID-19.
“Sa mga magulang, alam ko, gusto nyo nang maiba ang environment ng mga bata. Ang pakiusap ko, hindi ko naman ipagbabawal pero hanggat maari, ‘wag nyo muna payagan,” sabi ni Moreno.
Idinagdag pa niya na : “I want the spirit of Christmas to be the symbol of hope sa mga tao kasi ‘yun ang kinakapitan natin ngayon but at the same time, pwede nating gawin na tayo ay maging responsableng magulang.”
Umapela din si Moreno sa lahat ng mga Manileño na maging responsable lalo inalis na ang curfew hours sa lungsod at ipagpatuloy ang pagsunod sa basic health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks, paghuhugad ng kamay at tamang physical distancing.
Nanawagan din ang alkalde sa mga magulang at guardians n pabakunahan na ang kanilang mga anak.
Ayon kay Moreno ang pagbabakuna sa general population ng minors na edad 12 – 17 ay nagpatuloy nitong Biyernes anim na city-run hospitals at maging da apat na shopping malls na designated vaccination hubs.
Sinabi ni Vice Mayor Honey Lacuna na siya in charge sa mass vaccination program ng lungsod kasama si Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan, ang mga nasabing ospital ay mag-o-operate ng kanilang vaccination mula 7 a.m. hanggang 5 p.m. May nakalaang 500 doses kada isang aspital.
Ang mga malls naman na magsisilbing vaccination hubs, ayon kay Lacuna ay ang mga sumusunod:SM Manila, SM San Lazaro, Lucky Chinatown at Robinson’s Place. May nakalaang 750 doses sa bawat isang mall na bukas para sa pagbabakuna mula 7 a.m. – 5 p.m.
Isa lang ang puwedeng kasama ng minor at kailangan na may dalang proof of relation sa babakunahan to the vaccine recipient tulad ng valid ID.
Obligado namang magdala ang mga minor ng kanilang birth o baptismal certificate, school ID, PWD ID, at ng pirmadong consent at assent form. Kailangan namang magpakita ng medical certificate na pirmado ng doktor ang mga may comorbidities. (ANDI GARCIA)
The post Carroling sa Maynila puwede na, pero ‘di nirerekomenda ni Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: