Facebook

Pekeng granada itinanim sa harap ng bahay ni Cong. Valeriano

Namuo ang matinding tensiyon sa harapan ng bahay ni Manila 2nd District Congressman Rolan “CRV” Valeriano nang makakita ng isang uri ng pampasabog sa nasabing lugar.

Sa ulat, 8:46 ng umaga nitong November 5, 2021, natagpuan ang isang MK2 Fragmentation Grenade Replica sa 1985 F. Perfecto St. Tondo, Manila, Dist. 2 sa likod ng Puregold Tayuman.

Sa report, nadiskubre ni Rey Unting, 41 anyos, garbage collector ng Leonel at residente ng Bldg. 17 Unit 221 Permanent Housing Balut Tondo, Manila, ang isang kulay asul na garbage bag sa Barangay 157 Zone 14 District II Tondo, Manila, na may lamang granada. Mabilis nitong ini-report kay Ex-O Ernesto De Leon ng Brgy. 157 at inilagay ang nasabing granada sa tabi ng bahay ni Valeriano at ini-report naman nito sa Tayuman PCP.

Mabilis naman rumesponde ang mga elemento ng MPD EOD na pinangungunahan ni PSMS Rodel Maligon at nang eksaminin ang nasabing supot natagpuan na isang replika lang ang nasabing granada.

Naniniwala ang mga otoridad na isang pananakot lamang ang motibo ng naturang pangyayari at posibleng may kulay politika ito.

Binalewala lang umano ni Valeriano ang umano’y pananakot sa kanya dahil sa malapit na ang eleksiyon.

Si Rolan “CRV” Valeriano ang incumbent Congressman ng Dist. 2 ng Maynila at kasalukuyang tumatakbo sa kanyang ikalawang termino at nangunguna sa mga isinasagawang surveys.

The post Pekeng granada itinanim sa harap ng bahay ni Cong. Valeriano appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng granada itinanim sa harap ng bahay ni Cong. Valeriano Pekeng granada itinanim sa harap ng bahay ni Cong. Valeriano Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.