Facebook

Kano, kulong sa bomb joke

CAGAYAN – Kulong ang isang dayuhang amerikano nanh magbiro sa paliparan sa Tuguegarao City na may laman na nuclear bomb ang kanilang bagahe.

Ayon kay PMaj. Junvie Velasco, Chief ng Tuguegarao Airport Police Station, kinilala ang inarsto na si George Adrien Favarielle ng New Jersey, USA.

Nilabag ni Favarielle ang Anti-Bomb Joke Law habang nasa paliparan.

Ayon kay Velasco, agad na nagsumbong sa kanila ang isang empleyado ng Cebu Pacific nang sabihin ng dayuhan na nuclear bomb ang laman ng kanilang bagahe.

Una rito, tinanong sa asawa ng dayuhan na si Rowena Pascua ng Gonzaga, Cagayan kung may breakable items sa kanilang bagahe bilang bahagi ng protocol sa paliparan.

Sinabi ng ginang na wala, subali’t nagtanong din ang dayuhan sa kanyang asawa kung ano ang sinabi sa kanila ng empleyado ng airport kung saan sumagot din siya ng nuclear bomb.

Bagama’t sinabi ng mag-asawa na biro lang ang pangyayari kinasuhan pa rin ang dayuhan at dinala sa detention cell ng PNP Tuguegarao.

Napag-alaman na pabalik na sana ang mag-asawa sa New Jersey na umuwi sa Gonzaga dahil sa kaarawan ng ina ng babae.

Matapos mahuli ang dayuhan agad na nakapagpiyansa ito ng P30,000.( Rey Velasco)

The post Kano, kulong sa bomb joke appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kano, kulong sa bomb joke Kano, kulong sa bomb joke Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.