Facebook

2 tulak huli sa P.3m shabu, baril sa Navotas

Kulungan ang kinabagsakan ng dalawang tulak ng ilegal na droga nang makuhanan ng baril at mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Andrew Guevarra alyas “Andoy”, 38; at Dexter Luyon, 48, kapwa ng Moonwalk Village Talon Singko Las Piñas City.

Sa report, 11:28 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr., kasama ng SWAT team at Intelligence Section ng buy-bust operation sa Virgo Drive, Brgy. NBBS Kaunlaran.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 50.9 grams ng shabu na may standard drug price  P346,120.00, buy-bust money na isang tunay na P1,000 at 11 pirasong P1,000 boodle money, cal. 38 revolver na kargado ng limang bala, digital weighing scale, cellphone, bonded ng empty transparent plastic sachets, kulay majestic red na Mitsubishi Adventure at P1,000 cash.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A. 10591 o Illegal Possession of Firearms and Live Ammunitions.

The post 2 tulak huli sa P.3m shabu, baril sa Navotas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 tulak huli sa P.3m shabu, baril sa Navotas 2 tulak huli sa P.3m shabu, baril sa Navotas Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.