Facebook

2-anyos nagutom binigyan ni Mommy ng 3 tig-P1, nalunok

Inoperahan ang 2-anyos na babae nang makalunok ng pisong barya sa Makilala, Cotabato.

Sa ulat, sinabing binigyan ang bata ng barya upang pansamantalang malibang.

Kwento ng ina, may sinasagutan siyang learning module nang biglang huminggi ang kanyang anak ng pagkain.

Umuulan daw noon kaya hindi na nakabili ng pagkain ang nanay. Binigyan na muna niya ang anak ng tatlong tigpi-pisong barya.

Nagulat na lamang siya nang makitang isinubo ng bata ang mga barya. Agad namang dinukot ng nanay ang mga barya ngunit ang isa nalunok na ng kanyang anak.

Isinugod kaagad ang bata sa ospital. Nakita sa X-Ray ang nakabarang barya sa kanyang lalamunan.

Sumailalim na sa operasyon ang bata at matagumpay namang nakuha ang barya.

Sa ngayon, nasa mabuting kalagayan na ang bata at nagpagaling matapos ang operasyon.

The post 2-anyos nagutom binigyan ni Mommy ng 3 tig-P1, nalunok appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2-anyos nagutom binigyan ni Mommy ng 3 tig-P1, nalunok 2-anyos nagutom binigyan ni Mommy ng 3 tig-P1, nalunok Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.