Facebook

‘Magdalena’ pinatay nang ninakawan kustomer

SABOG ang bungo ng isang babaeng sex worker nang barilin ng mga hindi pa kilalang salarin habang naglalakad sa kalsada sa Bacolod city, nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Renalyn Maming, 23, ng Barangay Bug-ang, La Castellana, Negros Occidental.

Batay sa report ng Bacolod City Police Station 2, naganap ang krimen Nobyembre 3, 2021 sa kahabaan ng Reclamation Area sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima sa lugar nang biglang sumulpot ang mga salarin na armado ng baril at pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon.

Sa report, isang sex worker ang biktima at kadalasan parokyano nito ang mga driver ng truck at tricycle.

Kwento ng mga nakakakilala sa biktima madalas na ninanakawan ng biktima ang kanyang mga kustomer pagkatapos nilang magtalik.

Sinabi pa ng mga itong marami ang naghahanap sa biktima at galit na galit na ang mga ito.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing krimen at mayroon na silang person of interest sa pagpatay sa biktima at hindi na muna pinangalanan habang inihahanda ang kasong pagpatay laban sa mga salarin.

The post ‘Magdalena’ pinatay nang ninakawan kustomer appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Magdalena’ pinatay nang ninakawan kustomer ‘Magdalena’ pinatay nang ninakawan kustomer Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.