Facebook

Clearing operations dapat makatao!

ANG CLEARING OPERATIONS ay isinasagawa para mapaganda ang daloy ng mga lansangan sa ating pamayanan, subalit ang pagsasagawa ay dapat laging kaakibat ang MAKATAONG SISTEMA at hindi ang basta na lamang nanghahalibas o nangwawasak ng mga aria-ariang ikinabubuhay ng mga abang mamamayan.

Layon ng CLEARING OPERATIONS na mapabuti ang pamayanan; subalit, tila nakukulapulan naman sa pag-aabuso ng mga LAW ENFORCER.., na hinde na isinaalang-alang ang naging puhunan ng mga nagsisipaghanapbuhay tulad ng mga street vendor o nang mga namamasada sa lansangan.

Karaniwang nadadale ng nasabing operasyon ay ang mga STREET VENDOR na tanging hangad ng mga ito ay ang patas na pamumuhay.., subalit basta na lamang hahalibasin at kukumpiskahin ang kanilang paninda ng mga ENFORCER.., na ang mga nakumpiska ay iniuuwi naman ng mga ENFORCER para mapagsaluhan ng kani-kanilang pamilya.., hindi ba kahalintulad na rin sila ng mga PUSAKAL NA MANDARAMBONG?

Batid ng mga LAW ENFORCER na ang mga STREET VENDOR ay hinde basta lalatag ng kanilang paninda sa gilid ng mga palengke o mga kalsada nang hinde sila binibigyan ng permiso ng BARANGAY OFFICIALS.., na bago dapat magsagawa ng habulan at hablutan ng mga paninda ay ang BARANGAY ang dapat na abisuhan ng kaukulang mag-ooperate.., o baka naman kaya ‘NAGPAPATIMBRE’ ang mga ENFORCER?

Ang BARANGAY OFFICIAS ang dapat na unang nagbibigay proteksiyon sa mga STREET VENDOR bilang pamalit sa kinukobra nilang “PERMIT FEE” sa mga manininda. , ika nga, mula sa BARANGAY hanggang LOCAL GOVERNMENT kabilang na ang mga POLICE STATIONS ay dapat na may koordinasyon bilang MAKATAONG TRATO sa mga mahihirap nating negosyante.

Hindi lamang sa sektor ng manininda kundi maging sa CLEARING OPERATIONS laban sa mga naghambalang na sasakyan sa mga kalsada ay dapat ang MAKATAONG TRATO.., subalit, marami sa mga operatiba lalo na sa mga ENFORCER ng METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA) ang tila astang SANGGANO at hindi alam ang kategoryang MAKATAONG TRATO.

Nito lamang umaga ng November 11 ay isang pangkaraniwang negosyante ng mga bisekleta ang dinale ng MMDA-QC Operatives sa SENADING ST., CORNER SUSANA ST., BRGY. GULOD, NOVALICHES, QC na kinabibilangan ng isang ORLANDO DOMANTAY.

Ang siste, ang negosyante ng mga bisekleta ay nagkakarga ng mga bisekleta sa kaniyang TOYOTA HI-LUX na nakaparada sa harap ng kaniyang shop. Pagdaan ng grupo ni DOMANTAY ay agad na tinikitan ang sasakyan sa salang “PARK AT THE ROADSIDE UNATTENDED”.., gayong kasalukuyang kinakargahan ng ilang mga bisekleta.

Natural, aangal ang negosyante dahil hindi naman magtatagal ang pagkakaparada at kinakargahan ng mga bisekleta.., pero ikinatuwiran ng grupo ni DOMANTAY na atas daw ni MMDA CHAIRMAN BENHUR ABALOS mula sa OPERATION ORDER ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE.

Eto ang kakitiran sa pag-iisip o sadyang BOBO sa pag-analisa ang mga ENFORCER.., o sadyang naka-focus lang siguro sa mako-komisyon sa paninikit.., nasaan ang MAKATAONG OPERATION?

Batid ng ARYA na si MMDA CHAIRMAN BENHUR ABALOS ay laging MAKATAO ang pamamaraan nito.., na posibleng ang tulad nina DOMANTAY ay kulang ang kanilang natutunan o baka sa halip na makinig sa kanilang.mga seminar ay iba ang ginagawa nito.

PAGING CHAIRMAN ABALOS, mukhang kailangan po yata ng SPECIAL.SEMINAR ang inyong mga operatiba para sa sistema ng MAKATAONG OPERATIONS, para sa gayon ay maging patas ang lahat at hinde komo nakauniporme ay mala-sanggano at bastos.., ika nga, habang nakauniporme ay dapat maging magalang sa lahat ng pagkakataon!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Clearing operations dapat makatao! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Clearing operations dapat makatao! Clearing operations dapat makatao! Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.