GINULAT ng matinding sakuna ang buong mundo nang kumalat ang sakit na CoVid-19 na nagbuhat sa bansang Tsina. Walang bansa ang nakapaghanda sa pinsala na dala ng sakit.
Nagpaligsahan ang mayayamang bansa sa pagsaliksik at pagtuklas ng gamot na panlaban sa nakakakilabot na sakit na halos tumagal ng halos dalawang taon. Milyon milyon ang nagkasakit at namatay sa mabilis na pagkalat ng sakit.
Habang abala ang maraming bansa upang ang sakit ay masawata, ang nag-aastang siga ng bansang Filipinas ay hindi natinag. Binawalewala ang problema ng pangulong punong puno ng kayabangan. Maraming kompanya ang nagsara dahilan upang libo-libong maraming mamamayan ang nawalan ng trabaho. Maraming pamilya ang nagutom. Ang bansa ay nabaon sa utang. Ang mamamayan ay ginawang mga tanga–pinagsuot ng faceshield bago pagnakawan.
Ngunit likas sa mga Filipino malikhain. Batid ng taongbayan na walang maasahan sa tila bangag na pangulo na nagsadlak sa bansa sa kamalasan. Hindi katanggap-tanggap sa taongbayan ang lingguhang pagpapatalsik ng masangsang na amoy ng laway. Kailangan na nila tumayo at lumaban.
Nagsulputan ang maliliit na negosyo partikular sa pagkain. Dahil lockdown, nauso ang ‘pabili’ o delivery na nagbigay ng pagkakataon na kumita sa maraming mamamayan na nawalan ng pagkakaitaan. Nagkalat ang mga “riders” gamit ang motor o bisekleta maging sa labas ng Maynila.
Ngunit sa gitna ng kahirapan ay mga nilalang na likas ang pagkatulisan. Sila iyong mga naglalatag ng pekeng order at nagbibigay ng pekeng address. Sa madaling salita, Fake Book. Para sa kanila ay ‘trip trip’ lang. Wala sila pakialam sa perwesyong dinudulot sa pobreng rider gamit ang bisekleta na magbabayad sa ginawang fake booking.
Wala sila pinagkakaiba sa mga troll na nagpapakalat ng maling balita sa social media na pilit itinutuwid ang pilipit na katuwiran maiangat lang ang pangalan ng pamilya Marcos na napatunayan ng husgado sa kasong pandarambong. Para sa kanila, Marcos pa rin.
Hindi namin lubos maisip kung ano ang naging buhay ng mga nagdudunong dunongan kung walang fakebook na naging intrumento upang ang bansa ay mapasailalim sa mabangis na hayup na nagkatawang tao. Tanging fakebook lang ang labasan ng kanilang salat na kaalaman. Hindi sila nababagay sa matinong talastasan.
***
HINDI pa man nagsisimula ang opisyal na araw ng kampanya ay lumilinaw ang kahihinatnan ng halalan. Malinaw na mabilis ang pag-angat ni Bise Presidente kung pagbabatayan ang mga lehitimong survey.
Malaki ang naitutulong ng mga pink caravan na boluntaryong inisyatiba ng middle class. Pilit ginagaya ng ibang kampo ngunit bigo sila mapantayan ang bilang ng sumasama sa pink caravan. May dahilan upang kabahan ang kampo ni Duterte at Marcos. Sa susunod na mamumuno nakasalalay ang kaligtasan ng kanilang ulo.
***
Bagaman masasalamin ang poot at galit ng mamayan ng pink caravan sa mga nasa poder, hindi ito malinaw na batayan na magpapanalo kay VP Leni Robredo. Maging mapagmatyag. Basahin ang pananaw ng aming kaibigan Sahid Sinsuat Glang:
Top Duterte crony Dennis Uy and DOE Secretary Alfonso Cusi can and will even play a crucial role in the 2022 polls. F2 Logistics, owned by Uy, has a deal with Comelec to transmit and store poll paraphernalia. Uy can do China’s and Duterte’s bidding to ensure the victory of the Manchurian candidates. Cusi can invent an alibi to shut down power as in the 2019 polls, to give time for the Duterte operators at the Comelec to manipulate the results to favor the administration bets.
***
Email:bootsfra@yahoo.com
The post Fakebook appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: