Facebook

Great minds ni Yorme, hinangaan sa Cebu

GREAT minds meet, sabi ni Cebu District Cong. Pablo John Garcia, naipagmalaking sabi niya tungkol sa magandang pag-uusap nila ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, kasama ang mga kapatid niyang sina Cebu Gov. Gwen at dating kongresista, GSIS president-GM at Cebu CFI Cooperative chairman Atty. Winston Garcia.

Kasi, sabi ni Cong. PJ, ‘yung One Cebu sign na “No.1” ay katulad din ng “No.1” sign ni Yorme Isko at ng Aksyon Demokratiko.

At hindi lang coincidence, dear readers, kasi feeling ko, itinadhana nga si Yorme na manalo sa darating na presidential elections sa May 2022.

Kasi, sa dinami-dami ng bumisitang presidential candidate sa Kapitolyo ng Cebu, si Yorme Isko lang ang nagpakita ng interes sa Cebu CFI Coop na legacy ng kanilang dear mother, ang yumaong Cebu Court of First Instance Judge Esperanza ‘Inday’ Fiel Garcia, sabi ni Gov. Gwen.

Umaapaw sa tuwa ang magkakapatid, at paghanga nila kay Yorme, at ano ang sabi ni Atty. Winston, isang malaking karangalan iyon sa kanilang angkan.

Nagulat din nga si Isko at siyempre tuwang-tuwa nang ito ang sabihin sa kanya ni Atty. Winston na “.. you bring honor to our mother and to our family. On behalf of our family, from the bottom of our hearts, we thank you very much.”

One plus one, body language at pagpuri, pwede ko nang sabihin, 100 percent, si Yorme Isko ang ieendorso at susuportahan ng maimpluwensiyang Garcia family sa kanilang kaalyado at kapolitika sa One Cebu Party.

Iba kung mag-isip ang pambato ng Aksyon Demokratiko, sabi nga ni Cong. PJ, kasi yung style of governance at programa nila sa Cebu, yun din mismo ang “Bilis Kilos” program ni Yorme na ikinahanga ng magkakapatid na Garcia.

Dumalaw ang pangkat ng Aksyon Demokratiko sa Cebu at sa iba pang lokalidad sa Central Visayas na strategy nila na “Listening Tour” na hindi lamang makinig sa tagaroon, kungdi ang ihayag at ipaliwanag ang kanilang programa de gobyerno kung susuwertihin si Yorme Isko na maging Presidente sa 2022.

***

Bakit sobrang tuwa at ikinarangal ng magkakapatid ang pagbisita ni Isko sa Cebu CFI Coop?

Kasi nanay nila, sabi ni Gov. Gwen ang nagtayo ng Cebu CFI Coop noong 1970 na tumulong sa mga kawani ng korte na niloko at pinagsamantalahan ng maraming loan sharks at abusadong loan company sa Cebu.

E, sobrang love ng pamilya Garcia si Judge Inday at ‘yung coop ang unang inisip ni Yorme Isko na bisitahin, kaya ano ang nasabi ng gobernadora:”…You have done your research, Yorme.”

At eto ang revealing story na binanggit ni Cong. PJ kay Yorme Isko sa kanilang miting sa Club Serena Resort Hotel: nang kumakandidatong pangulo si Gloria Arroyo noong 2004, binisita rin nito ang coop at nangyari, inendorso nila ito at binigyan ng pinakamalaking panalo sa Visayas.

***

Eto ang maganda: nag-flash ng No.1 ang mga Cebuano nang sabihin na ni Yorme Isko ang mangyayari sa Moreno administration sa Buhay at Kabuhayan, “Build, Build Build Program, mabilis at maayos na pagtatayo ng mga negosyo na walang red tape, pag-engganyo sa big business na magtayo ng manufacturing and investment sa bansa, pagkaltas ng 50 porsiyentong buwis sa langis at koryente, ayudang mabilis sa farmers and fisherfolks para sa food security, at pagbabalik ng ekonomya na pinerwisyo ng pandemyang COVID-19.

Nakinig naman siya sa kuwento ni Atty. Winston kung paano natulungan ang mga kawani ng korte, at ang malaking tagumpay ng CFI Coop na, magugulat kayo, ito ay may P15 bilyong kapital at mahigit sa 150,000 kasapi sa buong bansa.

E dating GSIS president at GM ng multinational companies si Atty. Wilson na bumilib kay Yorme dahil interesadong nakinig sa mga payo nito at pinuri ang coop at nagpasalamat kasi, ang dami niyang natutunan sa magkakapatid at ito ay kanyang gagawin kung siya ang presidente.

At hindi raw tulad ng ibang presidential candidate si Yorme Isko, walang kodigo, deretso kung magpaliwanag at alam na alam ang sinasabi, kaya eto ang sabi ni Cong. PJ ang secretary-general ng One Cebu, “Mayor Isko is one of those who will be seriously concerned by One Cebu to be the presidential candidate of One Cebu. We’re seriously, seriously considering Mayor Isko.”

“Yung programa ni Yorme na tulungan ang micro small medium enterprises (MSMEs), infra projects, pasiglahin ang turismo at pagtulong sa mga pinerwisyo ng pandemya at paglikha ng maraming trabaho at tulong sa mahihirap na pamilya, yun at yun din ang ginagawa ng One Cebu at ni Gov. Gwen”.

Maayos at siguradong pagkain, mabilis na serbisyo sa kalusugan, edukasyon at trabaho sa panahon ng kalamidad at ng nangyayaring pandemya, iyon ang ginagawa ng magkakapatid sa Cebu, na siya ring plano ni Yorme Isko.

Ganyan si Gov. Gwen, inuna niya ang ayuda sa kabuhayan at pandemya, buhay at kabuhayan ang agad inasikaso, at sabi nga ni Cong PJ, mabilis na kilos ang ginawa ng pamahalaang lalawigan kaya mabilis na nakababangon sa krisis ang Cebu.

“I think great minds, you know, think alike, Mayor Isko and Governor Gwen, ” sabi ng batang kongresista.

O, ano pa ba ang ibig sabihin nito, kundi, endorsement kay Yorme Isko.

Rich sa boto ang Cebu at ang buong Central Visayas na hindi makukuha sa mga tulad ng caravan at pakuwe-kuwela at basta lang kaway-kaway at pa-Tiktok-Tiktok.

Ano, sama na kayo, sa mga mayroong ‘great minds’, at sa mabilis kumilos at hindi ‘yung patago-tago lang.

Ikaw NaISKO sa 2022.

Pilipinas, God First!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.

The post Great minds ni Yorme, hinangaan sa Cebu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Great minds ni Yorme, hinangaan sa Cebu Great minds ni Yorme, hinangaan sa Cebu Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.