Facebook

“Young blood asahang mauupo sa gobyerno” – Isko

SINABI ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno na asahan na ng mga Filipino ang pag-upo sa gobyerno ng mga young blood o mga bata kapag siya ang nanalong pangulo ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa pagbisita niya sa Cebu nitong weekend, sinabi ni Moreno na mangangailangan siya ng mga taong mabilis magtrabaho at kayang sumabay sa takbo ng panahon.

“Wag kayo mag-alala. Sa gobyerno ko, pabataan hindi patandaan ha. Kasi you have to catch up with me. Me masama akong habit. Bihira ako matulog,” sabi ng alkalde na idinagdag rin na tatlong buwan na nang huli niyang makita ang kanyang pamilya.

Sinabi ni Moreno na gusto niya ang mga bata na makasama niya na magpapatakbo sa gobyerno para makasabay sa takbo ng panahon at iginiit din niya na sa uri ng kanilang trabaho kailangan na naroon dapat ang kagustuhan at ang puso.

Binigyan diin din niya na mahalaga rin ang mayroong karanasn dahil buhay at kinabukasan ng mga Filipino ang nakataya.

“For the first time, makakatsamba kayo baka puro bata ang sekretaryo ng bansa. Kasi kung una pa siyang natutulog sa akin, problema ‘yun. Ang gobyerno natin, di ko maipapangakong walang tulugan. Si Kuya Germs lang ‘yun. Matutulog din ako pero sinisigurado ko, ang gobyerno natin maaga, hindi madaling araw,” sabi ni Moreno.

Sinabi pa ni Moreno na nakalulungkot isipin na may mga in-appoint sa mga sensitibong posisyon sa gobyerno na lagpas 80-anyos na walang ginagawa, at nakikitang nag-i-stroll sa malls o naglalaro ng golf sa oras ng trabaho.

Ipinangako din ng alkalde na ang klase ng kanyang gobyerno ay maagang magsisimula ng kanilang trabaho at maari din mag-round-the-clock kung kinakailangan.

“It’s going to be fast, litrerally “Bilis Kilos which is why I will be needing people who are really into it and who are result-oriented. ‘Yung makakasabay sa akin,” pagbibigay diin ni Moreno. Ang kanyang campaign slogan na #BilisKilos ay base sa mabilis na kilos at pagtatrabaho na kanyang ginagawa sa Maynila.

Maliban sa mga kabataan, sinabi ni Moreno na kakailanganin niya rin ang serbisyo ng LGBT community. Ayon kay Moreno, wala siyang pakialam sa kasarian ng isang tao dahil ang mahalaga ay ang kasanayan sa trabaho, kagustuhang at may pusong maglingkod sa bansa. (ANDI GARCIA)

The post “Young blood asahang mauupo sa gobyerno” – Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“Young blood asahang mauupo sa gobyerno” – Isko “Young blood asahang mauupo sa gobyerno” – Isko Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.